CHAPTER:41

1.1K 33 0
                                    

Astrid's POV

Naging masaya ang buong maghapon ko pero pagdating ng gabi ay medyo nalungkot ako dahil walang sulat na ipinadala si Sandro.

Kaya ngayong araw ay naisipan kong magluto ng adobo para hindi puro dugo ang kinakain namin at para na rin mawala ang inip ko.

"Hmm ang bango naman niyan!" Biglang sulpot ni Eunice at inamoy-amoy ang niluluto ko.

"Aba syempre, luto ko ata 'to" pagyayabang ko sa kaniya.

"Anong klaseng luto yan?" Tanong niya sa akin.

"Adobong manok, specialty ko 'to noh" sabi ko sa kaniya habang nagsasandok na nang matapos na ako sa pagluluto.

"Adobong manok?" Takang tanong sa akin ni Eunice.

"Huwag mong sabihin na hindi mo alam ang adibong manok" sabi ko sa kaniya dahil napak imposible naman, halos pareho lang ang pagkain sa mundo ng mga tao at dito sa mundo.

"Puro steak lang ang alam ko eh" sagot niya naman.

Napailing naman ako dahil doon. Dinala ko na ang nasandok sa mesa at sinundan niya naman ako.

"Huwag kang mag-alala magmula ngayon ako na ang magluluto ng pagkain mo para naman maiba ang mga nalalasa mo" sabi ko sa kaniya at nginitian siya.

Patang nagliwanag naman ang mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ko.

"Really ate?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman, at sigurado akong magiging paborito mo na ang mga luto ko" sabi ko sa kaniya.

"Hindi ko pa nga natitikman ay paborito ko na" sabi naman niya at pangiti-ngiti pa.

"Naku nambola ka pang bata ka, oh sige na kumain ka na diyan at papahatidan ko nalang si Kuya Jethro ng pagkain" sabi ko sa kaniya.

Medyo naging busy kasi si Kuya Jethro ngayon, siguro inaasikaso niya yung babuyan na ginawa kong dahilan.

"Ate sabayan mo ako ah" sabi ni Eunice sa akin.

"Huh? Hahatidan ko din sana sina Doña Crisanta ng niluto ko para naman matikman nila" sabi ko sa kaniya.

Balak ko rin sanang dalhan sila Doña Crisanta at Don Apsotol para matikman nila ito at para na rin mabisita sila.

"Please ate, samahan mo muna akong kumain pagkatapos ay tsaka mo na hatidan sila Doña Crisanta" sabi ni Eunice na nag puppy Eyes pa.

Napabuntong hininga naman ako at umupo, bigla naman siyang ngumiti dahil doon.

"Sige na nga, hindi kita matiis eh" sabi ko at natawa, ganon din si Eunice.

"Naks naman... Hmm... Ate kwentuhan mo naman ako sa mga nagjng experiences mo doon sa mundo ng mga tao. Konti lang kasi ang alam ko tungkol sa mundo ng mga tao." Sabi ni Eunice sa akin.

Mukhang naging interisado siya tungkol sa mundong kinagisnan ko.

"Masaya din doon kase kagaya dito nakakapasok ka din sa school pero hindi about powers ang pinag-aaralan doon kundi tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo at sa mga pangyayari." paunang kwento ko sa kaniya.

"Edi napag-aaralan niyo din ang mga tungkol sa bampira?" Biglang tanong niya.

Napailing naman ako sa tanong niya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon