Astrid's POV
Dumating ang kinabukasan at medyo maayos na ang pakiramdam ko dahil sa mga pagpapagaan ng loob na ginawa ng mga importanteng tao sa akin.
Si Eunice atsaka si Kuya ay kinuwentuhan ako kagabi ng kung anu-ano na tungkol sa pagkabata nila.
At nang dahil sa kanila ay naisip kong lumaban at huwag pakinggan ang sinabi ni Ate Almendra.
"Lalaban ako!" Sabi ko sa sarili ko habang naharap sa salamin.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako.
"Ate I have a good news!" Salubong na sabi sa akin ni Eunice.
"Oh ano yun? Teka huminahon ka nga muna" sabi ko sa kaniya at pinaupo na muna siya dahil parang hingal na hingal ang bruhang ito.
"Si Papa and Sandro ay uuwi na" sabi niya sa akin.
"Good News nga yan, oh magluto tayo ng makakain nila para naman kahit pagod sila ay may masarap na pagkaing naghijintay sa kanila" sabi ko kay Eunice at hinihila siya papunta sa kusina.
"Ate i don't know how to cook" sabi nito sa akin.
"Don't worry tuturuan kita" sabi ko sa kaniya at kinindatan pa siya.
"Ewwww" sabi niya na parang nandidiri nung kinindatan ko siya.
Natawa naman ako dahil doon.
"Ayy naku halika na nga" sabi ko sa kaniya at pumunta na kami sa kusina para magluto.
*****
"Pupunta muna ako kila Sandro, ihahatid ko itong niluto ko, para pag-uwi niya ay may makain siyang masarap na luto ko" sabi ko kay Eunice.
"I'll come with you" sabi ni Eunice sa akin.
"Ay naku hindi na" sabi ko sa kaniya habang binabalot ang mga pagkain.
"What if awayin ka ni Almendra?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Eunice.
"Huwag ka ng mag-alala sa akin Eunice, kaya ko na ito at hindi ako magpapa-api, promise" sabi ko sa kaniya at nginitian siya.
Wala siyang nagawa kaya napatango na lang siya.
*****
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa palasyo nila Doña Crisanta.
Papasok na sana ako sa pintuan nila pero nakasalubong ko si Ate Almendra at bigla niya akong hinarang.
"Anong ginagawa mo dito?" Diretsong tanong niya sa akin.
"Nabalitaan ko kasi na uuwi na si Sandro kaya pinagdala ko siya ng pagkain" mahinahong sagot ko sa kaniya.
"At sa tingin mo pababayaan kitang makapasok?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala Ate Almendra hindi ikaw ang ipinunta ko dito, pwede ka rin naming pumikit kung ayaw mo akong makita" kalmadong sabi ko sa kaniya at aktong papasok kaso bigla niya akong tinulak.
"May karapatan akong bawalan ka na pumasok dahil teritoryo ko 'to" madiing sabi niya sa akin.
Sasagutin ko na sana siya kaso biglang lumabas si Doña Crisanta at tinawag ako.
"Oh Astrid!" Masayang tawag niya sa akin.
Dahil doon ay napangiti ako at itinaas ang dala kong pagkain na parang sinasabi na may pasalubong ako.
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid