CHAPTER:57

855 29 1
                                    

Astrid's POV

Masaya akong gumising dahil parang nawala na ang bigat sa aking puso.

"Ama!" Tawag ko kay Ama nung makita ko siya na naglalakad palabas ng palasyo.

"Oh anak kamusta ang pakiramdam mo? Bigla daw sumama kagabi?" Tanong ni Ama sa akin.

Siguro ganon ang dinahilan nila Kuya kay Ama para hindi na ito masyadong mag-alala pa.

"Ah ayos na po ang pakiramdam ko Ama, sa totoo lang may gusto po sana akong sabihin sa inyo" sabi ko kay Ama.

"Ano naman yun anak?" Tanong niya sa akin.

"Balak ko na po sanang bawiin yung batas na ipinatupad ko" sagot ko kay Ama.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang marinig ang mga sinabi ko.

"Anak hindi mo pwedeng basta-bastang bawiin yun" sabi naman ni Ama sa akin.

"Pero Ama nakokonsensya na po ako sa ginawa ko sa kanila, gusto ko ng bawiin yun" malungkot na sabi ko sa kaniya.

"Anak naiintindihan kita pero alam kong para sa ikabubuti ng mundo natin ang ginagawa mo" sagot naman ni Ama sa akin.

"Ama parang hindi naman po ganon ang nakikita kong nagiging resulta ng ginawa ko" sabi ko pa kay Ama.

"Anak ako ay nagtitiwala sayo, tapusin mo kung ano ang sinimulan mo" sabi ni Ama sa akin.

Hindi na ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

Naisip ko naman na sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, satingin ko naman ay matatanggap niya ito.

"Ama may sasabihin pa po pala ako" nakangiting sabi ko kay Ama.

"Sige lang anak sabihin mo na" sagot naman nito.

"Bun--" hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil biglang pumagitna si Ethan sa amin ni Ama.

"Good Morning po King Francis" sabi ng tukmol na ito kay Ama at yumuko pa  kaya napaatras ako.

"Magandang umaga din sayo Ethan" balik na bata ni Ama sa kaniya.

Tinignan naman ako ni Ethan at nginitian pero tinignan ko lang siya na parang nabuburyo.

"Ah anak ano nga pala yun?" Tanong ni Ama sa akin.

Magsasalita na sana ako kaso bigla nanaman akong inunahan ng tukmol na Ethan na ito.

"King Francis ipagpapaalam ko po sana sainyo si Astrid na kung maaari ay ipasyal niya ako?" Tanong nito kay Ama.

Napakunot-noo naman ako dahil doon.

"Oo naman, oh sige na humayo na kayo nang sa ganon ay madami kayong mapasyalan" sagot naman ni Ama kay Ethan.

"Salamat po King Francis" sagot ni Ethan kay Ama.

Gusto ko pa sanang magreklamo pero hinila na ako ni Ethan at wala na akong nagawa.

Maya-maya ay huminto kami sa paglalakad at nass tahimik kami na lugar.

"Ano bang trip mo?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Ah wala naman, gusto ko lang pigilan yang matabil mong bibig" sagot nito sa akin.

Aba kung sapakin ko kaya ito.

"Anong pinagsasasabi mo?" Inis pa na tanong ko sa kaniya.

"Ikaw kasi masyadong padalos-dalos yang bibig mo, hindi ka man lang makaramdam sa bagay-bagay" sabi nito sa akin.

Naguluhan naman ako dahil sinabi niya.

"Ang gulo mo, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo" sagot ko naman dahil totoo naman iyon.

"Ganito kasi yan, narinig ko kayo ng Ama mo na nag-uusap tungkol doon sa ginawa mo sa Lamida Mundi at mukhang pabor siya sa ginawa mong iyon kaya ayaw niyang pigilan" paliwanag nito sa akin.

Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.

"Pinag-iisipan mo ba ng masama si Ama?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi sa ganon Astrid, sinasabi ko ito dahil concern ako at hindi ko sinisiraan ang Ama mo sa iyo, muntik mo ng masabi na buntis ka, paano kung hindi niya tanggap iyan? Anong mangyayari? Pag-isipan mo muna ang mgalalabas diyan sa bibig mo" mahaba pang paliwanag nito sa akin.

Halos hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kaniya.

"Nagbabaka sakali lang ako na baka kapag sinabi ko ang tungkol sa dinadala ko ay magbago ang isip ni Ama" sagot ko kay Ethan.

"Tsaka mo na lang sabihin ang tungkol diyan kapag naayos mo na ang lahat ng problemang nagawa mo, baka madagdagan na naman ang problema mo kapag sinabi mo pa iyan" sagot ni Ethan sa akin.

Sabagay may point naman siya kaya susundan ko na lang siguro ang sinabi niya.

"Kung yan ang sa tingin mo, susundan ko" sagot ko.

Ngumiti naman siya at hinila na ako papunta sa Palasyo.

"Oh bakit parang ang bilis niyo?" Tanong ni Ama sa amin.

"Ah ano po kasi King Francis naisip ko na ngayon pala darating si Papa dito kaya kailangan naming maghanda" sagot ni Ethan.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya na darating ang Ama niya dito.

"Oo nga pala, at nandito na siya, ipapatawag ko na siya sa Opisina" sagot naman ni Ama.

Lalo tuloy nanlaki ang mga mata ko sagulat dahil sa mga sinabi nila.

Hindi ako ready eh, ayokong humarap sa ibang tao na hindi ako presentable.

"May sasabihin pala ako sayo" bulong sa akin ni Ethan.

"Ano yun?" Tanong ko naman.

"Si Ama tignan ka lang niya alam niya ng buntis ka" sagot nito sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso dahil sa kaba

"Pano na yan?" Kinakabahang tanong ko kasi baka kapag nalaman ng Ama niya ay sabihin nito kay Ama.

"Hindi ko din Alam" bulong pa ni Ethan sa akin.

Naku patay na.

Ilang minuto lang ay nakarating na ang Ama niya.

Tinago ako ni Ethan si Likod niya.

Nagbatian sila, samantalang ako ay nakayuko lang habang nakatayo sa likod ni Ethan.

"Astrid anak magpakilala ka kay Haring Dominus" utos ni Ama sa akin.

I guess wala na akong magagawa, kailangan ko na lang harapin ang mga mangyayari.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at ngumiti ng pilit.

"Kamusta po? Ako si Astrid" pagpapakilala ko.

"Parang ang bilis" biglang sabi nito.

Nanlaki ang mga mata dahil doon, mukhang alam niya na na buntis ako.

"Anong ang bilis Haring Dominus?" Tanong ni Ama.

Parang gusto ko na lang silang awatin sa pag-uusap.

"Ah wala iyon Haring Francis bigla lang lumabas sa bibig ko, huwag mong intindihin ang sinabi ko" sagot ni Haring Dominus kay Ama.

Tumango naman si Ama.

Napahinga ako ng malalin dahil doon.

Biglang ngumiti si  Haring dominus sa akin, yung ngiting nagsasabi ng alam niya na ang sikreto ko.

****

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon