Spike's POV
Nang makita ko kung gaano naging kalungkot si Sandro nang malamang namatay si Astrid ay parang nakita ko ulit ang istura niya 3 years ago.
Nagmahal lang din siya pero nasaktan at kinimkim niya ang sakit na iyon. Ayoko ng makitang ganoon si Sandro dahil parang kapatid ko na rin siya.
Bigla kong naisip si Tandang Sally na laging kinukwento ni Mama sa akin na isang malakas na bampirang manggagamot, isa na ata siya sa pinakamatandang bampira na nabubuhay pa rin pero hindi mo ito mahahalata sa itsura niya dahil bampira nga kami.
"Paano niyo sya nahanap?" Tanong ni Almendra sa akin.
"Hindi namin siya hinanap" sagot ko sa kaniya.
"Huh? What do you mean? How did you bring her here?" Takang tanong ni Almendra sa akin.
Napangiti ako nang maalala ang nangyari kanina habang hinahanap namin siya.
Bigla siyang lumitaw sa harapan namin ng walang kahirap hirap, tunay nga na misteryoso ang Tandang Sally na ito. Siya mismo ang nagsabi na kailangan namin ng tulong niya, dahil doon hindi na kami nag atubiling isama siya dito.
"Kung hahanapin namin siya ay aabutin pa kami ng ilang taon dahil sa galing niyang magtago, kusa siyang lumitaw sa harapan namin at siya na mismo ang nagbigay ng tulong" paliwanag ko kay Almendra.
"Kakaiba talaga si Tandang Sally" manghang sabi nito kaya napangiti naman ako dahil doon.
"Sigurado ka bang kaya mong buhayin muli ang anak ko?" Tanong ni King Francis kay Tandang Sally.
"Aba'y Francis parang hindi mo ata ako nakikilala ah, isa akong alamat dito sa mundo natin" sabi ni Tandang Sally.
"Tawagin mong Hari ang Papa ko, wala kang galang na matanda ka" walang respetong sabi naman ni Eunice kay Tandang Sally.
Kakaiba din ang batang ito walang pinipili.
"Manahimik kang bata ka kung ayaw mong putulan kita ng dila sa isang pitik lang" seryosong sabi ni Tandang Sally kay Eunice ta tinitigan niya ito.
Napaatras naman si Eunice dahil doon.
"Wag mo namang takutin ang anak ko" sabi ni King Francis kay Tandang Sally.
"May kinakatakutan pala ang anak mo? Nasan ang tapang niya?" Sabi pa ni Tandang Sally na napapangisi.
"Papa mukhang hindi naman talaga niya kayang buhayin si Astrid kaya paalisin niyo na lang siya" sabi ni Eunice sa Papa niya.
"Eunice ija, wag mong minamaliit ang kakayahan ko baka pati ang nalalaman ko sa iyo ay isiwalat ko ngayon dito. Gusto mo ba?" Sabi pa ni Tandang Sally na sa tingin ko ay ikinatakot ni Eunice dahil halata sa kaniyang itsura.
Ano ang ibig sabihin ni Tandang Sally? Ano ang meron kay Eunice or worst ano ang ginawa niya na makakagalit sa Hari?
"H-Hindi ba naparito ka para buhayin si Astrid, gawin mo na" ramdam ko ang panginginig sa boses ni Eunice.
Nginisian naman siya ni Tandang Sally.
Lumapit si Tandang Sally kay Astrid at inobserbahan niya ito.
"Hindi ko siya bubuhayin" biglang sabi ni Tandang Sally na ikipanag-taka namin.
"What do you mean? We find you para buhayin si Astrid pero bakit hindi mo gagawin iyon?" Medyo may pagka-inis na sabi tanong Sandro kaya inawat ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid