CHAPTER:73

456 20 9
                                    

Eunice's POV



"Papa pinatawag n'yo daw ako?" Tanong ko kay Papa nung makapasok na ako sa opisina niya.



"Oo anak, may kailangan akong sabihin sa iyo at kailangan mong gawin ito para na din sa iyo" seryosong sabi ni Papa sa akin.




At this moment parang may iba akong nafi-feel na hindi maganda.




"What is it Papa?" Tanong ko pa sa kaniya.




Napahinga siya ng malalim bago magsalita.



"Dahil wala na ang Ate mo, ikaw na ang magpapakasal kay Prince Ethan" seryosong sagot pa ni Papa sa akin na ikinagulat ko.



"What?!!! Ate Astrid already cut that rule!" Inis na sabi ko kay Papa dahil pinutol na ni Ate ang Batas na iyon pero bakit ibinabalik pa ulit ni Papa?



"Look Eunice, wala na ang Ate mo kaya wala na ding bisa ang pagputol niya sa Batas na iyon at hindi ko ito ginagawa dahil sa sariling kagustuhan ko, ginagawa ko ito para sa iyo dahil ayaw kong pati ikaw ay mawala sa akin" malungkot na paliwanag ni Papa sa akin.




Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niyang iyon pero ayoko pa ring magpakasal sa bampirang hindi ko naman mahal.




"No Papa. Ayoko. You are the King at ano ang ikinakatakot mo? Hahayaan mo na lang ba lamunin ka nang takot na 'yan?" Sagot ko kay Papa.





Kahit na anong sabihin ni Papa ay hindi niya ako mapapapayag.




"Anak hawak ni Pandora ang buhay natin. Kailangan kong sundin ang utos niya, isa ito sa utos niya. Maaaring isa sa atin ang mawala kung hindi natin susundin ito" malungkot na pagmamakaawa ni Papa sa akin.



Halos hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya.




"Anong mapapala ni Pandora kapag nagpakasal ako sa isang Prinsipe?" Tanging tanong na nasabi ko.



Napailing naman si Papa.




"Hindi ko alam anak, basta ang alam ko gusto kong maging ligtas kayo nila Clara at ng apo ko" sabi pa ni Papa sa akin.




Napaisip ako sa sinabi niya, ayokong may mawala pa sa amin. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon. Pero ayoko ding magpakasal. Labag sa loob ko ang gawin iyon.




"Pag-iisipan ko Papa" walang emosyong sabi ko kay Papa.


Napalapit si Papa sa akin napayakap.


"Maraming salamat, anak" sabi nito.



Tumango na lang ako at umalis na.



*****


Almendra's POV


Halos isang buwan na din ang nakakalipas ng mawala si Astrid, hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang nangyaring iyon sa kaniya.




Halos isang buwan na ding sumasalakay ang mga Alba Lamia sa bayan at nauubos na rin ang mga normal na Bampira.




Wala kaming magawa dahil napaka-makapangyarihan ni Pandora na maging ang Hari ay walang maisip na paraan.



Hindi ko alam kung paano namin malalampasan ang lahat ng ito.




"Ang lalim nang iniisip natin ah?" Biglang sulpot ni Spike sa gilid ko.



Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon