Astrid's POV
2 days ang nakalipas mula nung sumugod ang mga Alba Lamia.
Hindi pa ako nakakalabas dahil sabi ni Kuya na kailangan ko munang bawiin ang lakas ko.
Gustong-gusto ko ng makita si Sandro dahil hindi pa din daw ayos ang kalagayan niya.
Nandito ako sa Veranda ngayon at nagpapalipas ng oras.
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko nung may bihlang sumulpot na babae sa harapan ko.
Siya din ang nakita ko nung magising ako nung pinahamak ako ni Eunice.
"Shhhh" sabi niya at pagpapatahimik sa akin.
"Tatawag ako ng mga gwardya kapag hindi ka nagpakilala at hindi mo sinasabi ang pakay mo sa akin" sabi ko sa kaniya at lumalayo sa akin.
"Wala silang magagawa kahit na magpatawag ka ng maraming gwardya" sagot nito sa akin.
Sumasakit ang ulo ko nang dahil sa kaniya.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" Inis na tanong ko sa kaniya.
Naglakad naman siya papasok sa kwarto ko kaya sinundan ko siya.
"Paano ka nakapasok dito? Anong klasi kang bampira?" Mga tanong ko sa kaniya dahil hindi niya pa sinasagot ang tanong ko mula kanina.
Tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin.
"Malalaman mo rin kung sino ako, hindi man ngayon pero malapit na" sagot niya sa akin.
"Teka bakit hindi pa ngayon?" Takang tanong ko pa sakaniya.
"Ang alalahanin mo muna ngayon ay ang mga delubyong nalalapit ng dumating" sagot nito sa akin na nakapagpanindig ng balahibo ko.
Anong pinagsasabi nito? Anong delubyo? Sino ba talaga siya? Kalaban ba siya?
"Hindi ako kalaban, ang tunay na kalaban ay nasa paligid lang, nangyayari na ang mga nakasulat sa propesiya" sabi pa nito sa akin na nakapagpagulo ng isip ko.
"Teka nababasa mo ang nasa isip ko? Sinong kalaban ang tinutukoy mo? Tsaka anong propesiya?" Sunod-sunod na tanong ko dahil lalo lang nitong pinapasakit ang ulo ko.
"Ikaw ang makakadiskubre ng mga tanong mong iyan" sagot niya sa akin.
"Ginugulo mo ang utak ko, bakit hindi mo pa ako diretsuhin?" Inis na tanong ko sa kaniya.
"Nagpakita ako sa'yo upang paalalahanan ka na mag-ingat, ingatan mo rin ang isang bagay na nasa iyo at magiging iyo lang, sa oras na nawala ito sa iyo ay talo ka at nagwagi ang kalaban" paliwanag nito sa akin.
Napa-isip naman ako sa sinabi niya, ano ang tinutukoy niyang bagay na kailangan kong ingatan.
"A-ano ang bagay na iyon?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
Nginitian niya lang ako at may sinabi siyang pangalan na nakapagpatibok ng puso ko at bigla siyang naglaho na parang bula.
"Cecile"
Pano niya nalaman ang pangalan ng tunay kong ina?
Sino ba talaga siya at ano ang kinalaman ng ina ko sa mga bagay na ito.
Marami akong katanungan sa kaniya pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Kung magpatulong kaya ako kina Kuya?!
'Ang tunay na kalaban ay nasa paligid lang' parang nag-eecho naman ang sinasabi niya sa akin.
Pamilya ko sila kaya hindi ko sila pwedeng pagdudahan.
Siguro paraan lang iyon ng kalaban para hindi ako makapag-focus sa mga bagay na kailangan kong tapusin.
Napabuntong hininga naman ako sa kaka-isip. Hindi ko na muna siguro ito sasabihin kina Kuya para hindi sila mag-alala.
Pupuntahan ko na muna si Sandro ngayon tutal ay malakas na din naman ako at maayos na ang pakiramdam ko.
*****
"Ate Almendra kumusta si Sandro? Gusto ko sana siyang dalawin" sabi ko kay Ate Almendra nang makarating ako sa palasyo nila.
Parang nagulat naman siya sa pagdating ko.
"Mabuti naman at ayos ka na Astrid. Ah ano kase si Sandro uhmmm" sabi ni Ate Almendra at parang napapakamot sa ulo.
Nagtaka naman ako dahil doon.
"Napano si Sandro? May nangyari nanaman ba?" Alalang tanong ko sa kaniya.
"Ay naku hindi, maayos na din si Sandro at natutulog lang" sabi niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko para patahanin.
"Mabuti naman kung ganon" sabi ko na parang nabunutan ng tinik.
"Pero ano kase" sabi pa ni Ate Almendra at parang nagdadalawang-isip na sabihin.
"Ate Almendra sabihin mo na kung ano ang nangyayari" sabi ko sa kaniya habang naka cross arms.
"M-may dumalaw din kasi sa kaniya" sabi niya.
"Sino?" Tanong ko pa sa kaniya.
"Si Esmeralda" sagot niya na nakapagpakulo ng dugo ko.
"Pwede ko bang puntahan si Sandro?" Paalam na tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya kaya umakyat na ako sa taas at pinuntahan ang kwarto ni Sandro.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita kong mahimbing na natutulog ang bruha sa gilid ni Sandro nakayuko ang ulo nito at nakahawak ang kamay niya sa kamay ni Sandro.
Lalong kumulo ang dugo ko sa nakita ko.
Lumapit ako at hinila ang bruha palabas ng kwarto ni Sandro, ayokong gumawa ng ingay baka magising si Sandro.
Halatang nagulat naman ang bruha dahil sa ginawa ko.
Nang makalabas kami ay binalibag ko ang kamay niya.
"What the hell are you doing?" Inis na tanong nito sa akin.
"Inaabuso mo ang pagpapahinga ni Sandro" sabi ko sa kaniya.
"And why do you even care?" Mataray na tanong nito sa akin.
Aba kung pakainin ko kay ng lupa ang bruhildamg ito.
"Tinatanong mo pa talaga yan? Nasan utak mo? Nasa pwet? Ang bobo mo!" Inis na sabi ko sa kaniya.
Alam niya naman kung bakit ako ganito magreact dahil Boyfriend ko si Sandro at ayokong may umaaligid na linta sa kaniya.
"What did you say?" Inis na tanong niya.
"Bobo ka" pag-uulit na sabi ko sa kaniya.
"What the hell!" Inis na sabi niya at inambahan ako ng sampal pero nasangga ko ito.
"Sige subukan mo! Palalampasin ko itong ginagawa mo pero sa oras na landiin mo ulit si Sandro matitikman mo ang bagay na hindi mo pa natitikman" nang-gagalaiti at may diing sabi ko sa kaniya.
"Ano ba ang nakita sa'yo ni Sandro? Mula nang dumating ka sa buhay niya lagi na lang siyang napapahamak" inis na tanong at sabi pa niya sa akin.
Wala na akong oras na patulan pa ang babaeng ito dahil lalo lang akong na-i-stress.
"Gusto mong malaman? Tanong mo sa pagong" sabi ko sa kaniya at binalibag ko ang kamay niya kaya parang natulak na din siya.
"Hindi pa tayo tapos" sabi nito sa akin at tinalikuran na ako.
Napangisi naman ako dahil doon.
*****
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid