CHAPTER:50

898 26 0
                                    

Spike's POV

Nasasaktan ako na nakikitang umiiyak si Astrid, hindi ko alam kung bakit nagawa ito ni Sandro kay Astrid.

Alam kong mahal niya si Astrid pero bakit?!

Gusto kong patayin si Sandro dahil sa ginawa niyang ito kay Astrid.

Nandito ako ngayon at nakatago habang pinagmamasdan sina Astrid at Sandro.

Biglang tumakbo palayo si Astrid kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko at tumakbo palapit kay Sandro.

Bihla ko siyang sinapak nang malakas na nakapagpatumba sa kaniya.

Nakahawak siya ngayon sa panga niya.

"Wala kang kwenta! Sira ulo!" Sabi ko sa kaniya at hindi siya makapag-salita.

Tumakbo na ako para habulin si Astrid.

Halos ilang minuto din ang itinagal ng paghabol ko kay Astrid nang tumigil na siya dito sa may batis.

Nagtaho pa rin ako para hindi niya ako makita.

"Sandro pinagkatiwalaan kita!" Sigaw niya habang umiiyak.

Gusto ko siyang lapitan pero mas maganda na mailabas na muna niya ang sakit na nararamdaman niya.

"Binigay ko lahat sayo pero sinaktan mo lang ako!" Sigaw pa niya na damang-dama ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Kagaya ka lang ni Mark! Wala kayong isang salita! Pinaasa niyo lang ako!"

"Sana hindi na lang kita minahal! Sana hindi ko na lang pinatulan yang laro mo! Sana...... Sana HINDI NA LANG KITA NAKILALA!" hagulgol na sigaw niya.

"Tatanggapin ko na lang na ganito talaga ang kapalaran ko!" Sabi niya at pinupunasan ang luha niya.

Bahagya siyang napayuko at tumigil.

Lalapit na sana ako kaso bigla niyang inangat ang ulo niya at biglang naging purong itim ang mga mata niya at bigla siyang ngumisi.

Nakaramdam ako ng kilabot sa nakikita ko sa kaniya, unti-unting lumalakas ang hangin at kasabay nito ang pag-angat niya sa lupa na tila kinokontrol niya ang paligid.

"Magpakasaya na kayo ngayon dahil ako ang tatapos sa maliligayang araw niyo" nakangising sabi nito.

Nakakapangilabot si Astrid ngayon dahil parang bigla siyang nag-iba.

"Astrid!" Tawag ko sa kaniya at biglang tumakbo palapit sa kaniya para sana pahintuin siya kaso bigla siyang humarap sa akin at tinutok ang kamay niya sa akin dahilan nun para hindi ako makagalaw at pinipigilan nito ang paghinga ko.

"Anong ginagawa mo rito?!" Galit na tanong sa akin nito.

"A-Astrid t-tutulungan kita" nahihirapang sagot ko sa kaniya.

"Hindi ko kailangan ng tulong nang kahit na sino!" Sigaw pa nito.

Hindi ganito si Astrid.

"P-Pakiusap m-makinig ka s-sa akin" sabi ko pa at parang lalong humigpit ang ginagawang pagkontrol ni Astrid sa akin.

"Bakit ako makikinig sayo?!" Sigaw na tanong pa nito sa akin.

"D-Dahil m-mahal kita Astrid, m-matagal ko ng n-nararamdaman ito, h-hindi ko masabi d-dahil may mahal ka ng iba" malungkot na sabi ko sa kaniya at parang medyo lumuluwang na ang paghinga ko at medyo humihina na ang hangin at unti-unti na ring bumaba sa pagkakalutang si Astrid.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon