Astrid's POV
Habang bitbit ako ni Ama paakyat sa kwarto ko ay ramdam ko ang hingal niya.
Medyo nakokonsensya naman ako dahil sa ginawa kong ito.
Nang dalhin niya ako sa kwarto ay naghintay pa ako ng ilang oras bago imulat ang mga mata ko para kapani-paniwala.
Medyo mahirap din itong ginawa ko.
Matapos ang ilang oras ay iminulat ko na ang mga mata ko.
"Ama ano pong nangyari?" Pag-aarte ko pa.
"Nahimatay ka bigla, ayos na ba ang pakiramdam mo anak?" Sabi at tanong ni Ama.
Hindi ko naman alam kung paano ko napipigilan ang tawa ko.
"Ah opo ayos na po ako, pasensya na po" sabi ko kay Ama.
Tumango naman siya at inabutan ako ng pagkain.
"Ate what happened?" Biglang sulpot ni Eunice na kasama si Kuya.
"A-Ah wala naman" sabi ko sa kaniya.
"Ayos ka lang ba Astrid?" Tanong naman ni Kuya sa akin.
"Syempre naman kuya ayos lang ako" sabi ko sa kaniya.
"Mygosh akala ko napano ka na, i'm so worried talaga" sabi naman ni Eunice at umupo sa tabi ko.
"Naku" sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Ah siya nga pala Jethro, nabalitaan ko na may babuyan ka" sabi ni Ama habang nakatingin kay Kuya na ikinagulat ko.
Napatingin naman si Kuya Jethro sa akin na naguguluhan.
Kinindatan ko naman siya ng paulit-ulit na sinasabing umoo na lang siya.
Mukhang nakuha niya naman ang ibig-sabihin nito.
"A-Ah o-opo Papa" sagot naman ni Kuya.
"Gusto ko sanang makita ito ngayon para icheck kung maayos ba ito" sabi ni Ama.
Bigla naman akong kinabahan dahil wala kaming maipapakita na babuyan.
"Ama sa susunod na lang po iyan gusto ko po munang makasama kayo ngayon at makakuwentuhan" biglang singit ko sa kanila.
Napatingin naman si Kuya sa akin at halatang kinakabahan.
"Maaari kitang kuwentuhan sa ibang araw anak" sabi ni Ama.
Shetsss ano ba Ama sumakay ka na lang kase.
"Mas uunahin niyo po ba yang babuyan na yan kaysa sa akin na anak niyo?" Kunwaring malungkot na tanong ko.
"Pagkauwi ko na lang anak galing doon saka na kita kukwentuhan" sabi pa ni Ama.
Napakakulit naman ni Papa.
"Papa pagbigyan mo na si Ate tutal ngayon pa lang naman at siya magrerequest sayo after so many years na hindi natin siya nakasama" singit ni Eunice kaya napatingin ako sa kaniya.
Napabuntong hininga naman si Ama.
"Oh sige anak, babalik ako dito, pupunta lang ako sa opisina ko" sabi ni Ama at nginitian ako.
Nagwawala sa saya ang puso ko.
Gustong-gusto kong yakapin si Eunice ngayon because she's our savior.
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid