Astrid's POV
Kumakain kami ngayon ng sama-sama sa isang napakalaking mesa at walang umiimik sa aming tatlo.
"Bakit hindi mo sinabi na kapatid ko pala ang bruhang iyon?" Bulong na tanong ko kay Alessandro habang kumakain.
"Kasi gusto ko ang papa mo ang magsabi non" bulong na sagot naman nya.
Napatango naman ako sa kaniya.
"Isang napakagandang bata na nagmana sa kaniyang ama ang nandito ngayon" sabi ni Ama habang nakatingin sa akin.
Parang nahiya naman ako dahil sa sinabi nyang iyon. Hindi ako sanay na pinupuri eh.
Parang namiss ko ulit sila mommy habang kumakain kami ngayon.
"Papa am i not pretty?" Parang medyo may pagakairita na tanong ni Eunice kay Ama.
"Eunice" bawal naman ni Kuya Jethro kay Eunice.
Yes matanda sya sa akin ng limang taon.
"Why kuya?" Inis na tanong naman ng bruhang ito.
"Eunice pareho kayong maganda dahil magkapatid kayo" sabi ni Ama kay Eunice.
Parang gusto namang masuka ng bruha nang marinig niyang magkapatid kami. Duhhh the feeling is mutual.
Ngayon lang ako pumatol ng ganito sa bata.
Gustong-gusto ko siyang kutusan.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na sila Don Apostol na uuwi na para naman daw masulit namin ang time naming mag-ama.
Actually parang ayoko silang umalis dahil nahihiya pa ako.
"We'll see you tomorrow" sabi ni Alessandro at hinalikan naman ako sa noo.
Parang nahiya ako dahil nandito sila Don Apostol.
Napatingin ako kay Eunice na parang mamamatay sa sobrang inggit.
Blehh!!!
"Mag-iingat kayo" sabi ko na lang.
Ngumiti naman sya at nagpaalam na sila.
"Anak huwag kang mahihiya dahil tahanan mo na rin ito at kung ano ang sa kanila ay sa iyo rin" sabi ni Ama sa akin nung mapansin niya sigurong nahihiya ako.
"Well, not Sandro" sabi ni Eunice.
Aba gusto ata niyong magla round two ah.
"Eunice masyado ka pang bata para kay Sandro, at hindi ka gusto ni Sandro" sabi ni Kuya Jethro.
Napayuko si Eunice dahil sa inis. Bagay nga sa kanyan kapatid niya na mismo ang sumampal ng katotohanan sa kaniya.
Natawa naman si Ama dahil doon.
Niyaya niya na kaming pumasok sa loob.
"Ah Astrid paumanhin dahil sa mga naging kilos ko kanina at sa mga nasabi ko, hindi ko naman inakala na ikaw pala ang hinahanap na kapatid ko" sabi ni Kuya Jethro sa akin.
Halata namang sincere sya sa sinabi niya. Aaminin kong mas mabait naman si Kuya Jethro kesa sa bruhang iyon.
"Sorry din Kuya" tangin nasabi ko at ngumiti naman siya pagkatapos ay niyakap niya ako.
Ang sarap sa pakiramdam na may pamilya pala ako dito. Namiss ko si Kuya Kurt dahil sa kaniya.
"Oh ikaw Eunice wala ka bang sasabihin sa ate mo?" Tanong naman ni Ama kay Eunice.
"What would i say?" Iritang tanong nito pagkatapos ay umirap at umakyat sa hagdan.
Napailing naman si Ama dahil doon.
Napaka spoil brat naman ng kapatid kong iyon. Pwes hindi maaari sa akin yun.
"Pasaway talagang bata" sabi ni Kuya at sinundan naman si Eunice sa taas.
"Anak halika marami akong ikukwento sa iyo" sabi ni ama at umakyat sa hagdan ng palasyo kaya sinundan ko siya.
"Dito nagsimula ang pagmamahalan namin ng ina mo. Isa syang Vampire hunter, plano lang nila na makakuha ng isa sa amin para obserbahan pero hindi ako makapaniwala na mahuhulog sya sa isang katulad ko. Nahulog din naman ako sa kaniya kaya nga nabuo ka" paunang kwento ni Ama sa akin.
Nakikinig lang ako sa kaniya.
"Pero parang gumuho ang mundo ko nang mawala sya nang ipinanganak ka" sabi nya na may halong lungkot.
Nalungkot din ako ng sabihin niya iyon.
"Nawala ka din noon sa akin, hindi ko alam kung saan ka hahanapin, yun pala ay nasa mundo ka ng mga tao" kwento pa niya.
"Maraming kumakalat na masama sa paligid natin ngayon at walang ibang makakasugpo non kung hindi ikaw lamang anak" sabi niya.
May ipinakita siyang litrato sa akin na sa tingin ko ay ang ina ko at sya.
"Kaya nung makita ka nila ay sobrang saya ko, nakita ko rin sa iyo si Cecile" sabi ni Ama at nakangiting ngumiti sa akin kaya napangiti rin ako.
Teka kung namatay ang ina ko nung ipinanganaka ako, sino ang nanay ni Eunice.
"Ah Ama, wag po kayong magagalit sa itatanong ko, iisa lang po ba kami ng ina?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya.
Natawa naman siya dahil doon.
"Astrid anak hindi, namatay rin ang nanay ni Jethro at ganon rin ang kay Eunice nung ipinanganak sila" kwento ni ama.
May dalang kamalasan ba si Ama kaya lahat ng napapangsawa niya ay namamatay?
Napatango naman ako dahil sa kwenro niya.
"Kailangan mong magsanay upang mahasa ang iyong taglay na lakas, at kapag nakumpleto mo na ang kakayahan mo ay doon na kita ipapakilala bilang isang prinsesa" sabi ni Ama.
Wow magiging prinsesa ako? Paano? Anong klasing pagsasanay?
"Paano po ang pagsasanay na gagawin ko?" Tanong ko kay Ama.
"Papasok ka sa eskwelahan at doon ituturo ang mga dapat mong malaman at mga dapat mong gawin" sabi ni Ama sa akin.
May school din sila dito? Ang cool? Anong klasing school naman kaya?
Naalala ko tuloy ang school ko pati si Julie. Haysss sobrang namimiss ko na din siya.
"Kailan po ako magsisimulang mag-aral?" Tanong ko naman kay Ama.
"Maghahanap muna ako ng isang professional na maaaring magturo sa iyo" sabi ni Ama sa akin.
Sobrang pinaghahandaan pala nila ang mga bagay na ito.
"Ama may tanong pa po ako" sabi ko kay pa kay Ama.
"Kahit ano yan anak" sabi naman ni Ama.
"Talaga po bang ang mga matataas na uri ng bampira lang ang may kakayahang mag-aral?" Tanong ko kay Ama dahil nakakaawa naman ang iba.
"Ganon ang patakaran sa ating mundo anak" sagot naman ni Ama.
Medyo nalungkot naman ako sa sinabi ni Ama.
"Bukas madami pa akong ikukwento sa iyo, sa ngayon ay matulog ka na muna anak dahil alam kong napagod ka rin" sabi ni ama sa akin.
Hinatid niya naman ako sa kwarto ko.
Hindi ko ma-explain kung gaano ako ka-shock ngayon dahil sa sobrnag laki ng kwarto ko at king size pa ang kama ko.
Napaupo naman ako doon medyo napangiti dahil sobrang lambot nito.
"Bukas ay kikilalanin ka bilang anak ko"
*****
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid