CHAPTER:11

1.9K 58 4
                                    

Kurt's POV

Maayos naman kaming nag-iinuman kagabi nang biglang nagkagulo at nakita ko na lang si Astrid na nakabulagta.

Mabilis ko syang sinugod sa hospital nang mangyari ang insidenteng iyon, hindi ko pa alam kung anong nangyari.

"Kurt Anong nangyari sa kapatid mo?" Mangiyak-ngiyak na salubong ni Mommy sa akin.

Mabilis naman akong sumalubong sa kanila pero bago pa ako tuluyang makalapit ay bigla akong sinapak ni Daddy at pagkatapos 'non ay linampasan nya ako.

Lumapit si Mommy sa akin at hinawakan ang mukha ko.

Nakokonsesya ako dahil sa nangyari sa kapatid ko, kung hindi ko na lang sana sya pinilit na sumama eh hindi mangyayari 'to. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

"S-sorry Mommy" Naiiyak na sabi ko kay Mommy at niyakap sya.

"Wala kang kasalanan anak" pagpapagaan ni Mommy ng loob ko.

Halos isang oras na syang inoobserbahan pero wala pa ring lumalabas na doctor para balitaan kami sa kalagayan ni Astrid.

"Doc. Kamusta ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ni Mommy sa Doctor nang lumabas ito mula sa Emergency Room.

"May mga nakita kaming poison sa katawan ng pasyente na talagang nakamamatay ayon sa ginawa naming research sa poison na ito pero nnag dalhin ang pasyente dito ay okay na sya, ligtas na sya sa bingit ng kamatayan. 'Wag na po kayong mag-alala Misis stable na ang kalagayan ng pasyente, kailangan nya na lang ng pahinga" mahabang paliwanag ng Doctor.

Parang nakahinga naman ako ng malalim sa sinabi ng Doctor.

"Hayy Salamat sa Diyos at ligtas ang anak ko" sabi ni Mommy na parang lumuwag ang pakiramdam.

Pinaupo ko muna si Mommy para makapag-pahinga.

"Anong nangyari?" Seryosong tanong ni Daddy sa akin.

Napayuko naman ako.

"S-sorry dad. Kumuha lang po sya ng iinumin nya pagkatapos ay bigla na lang nagkagulo sa bar at nakita ko na lang sya na nakabulagta sa sahig" paliwanag ko kay Daddy. Hindi na sya sumagot pa at lumapit na lang kay Mommy.

Alam kong hindi pa ako kakausapin ni Daddy hanggat hindi nya nasisiguradong maayos si Astrid.

"Pwede na po kayong pumasok sa room nya" sabi ng Doctor at mabilis naman kaming pumasok sa room ni Astrid.

Umupo sila Mommy at Daddy sa tabi nya. Nakatingin lang ako sa kapatid ko sobrang pinagsisisihan na pinilit ko pa syang sumama sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay nya nang may napansin akong parang kagat ng ahas or something sa kamay nya.

Napatayo naman ako tinawag ang Doctor.

"Doc. Ano po ito?" Tanong ko sa kaniya.

Parang napakunot naman sya nang makita iyon.

"Kagat po ba ng ahas 'to? Mukhang sariwa pa po eh" sabi ko sa Doctor.

Napailing naman ang Doctor.

"Hindi ito kagat ng ahas. Iba ang kagat ng hayop sa sugat na nasa kamay nya. Masasabi kong kagat nga ito pero hindi ko alam kung ano. Napakalinis ng pagkakakagat. Oobserbahan namin ito" paliwanag ng Doctor sa akin.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon