Astrid's POV
"Arayyy!" Reklamo ko nang mabangga ako sa kasabay kong naglalakad at bigla along napaupo at nahulog din ang mga hawak kong libro.
Mabilis kong pinulot ang mga librong nakakalat sa sahig. Napatingin pa ako sa lalaking nakabungguan ko hindi man lang ako tinulungan. Well kasalanan ko naman siguro dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko dahil sa kakamadali.
Pinapanood lang ako nito na pulutin ang mga libro ko.
"Sorry po!" Paghingi ko ng paumanhin at mabilis na tumakbo dahil late na ako sa first subject ko.
Kasalanan ito ng boyfriend ko eh. Hindi man lang ako ginising.
Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na ako sa school.
Before i forget I am Astrid Mendes and i'm 21 years old a 3rd year College student.
"Oh Ms. Mendes patapos na ang klase . Buti naisipan mo pang pumasok?" Tanong ng prof ko nang makapasok ako sa room.
"Sorry sir, it won't happen again" paghingi oo ng tawad sa sir ko.
"Okay take your seat" sabi nya at umupo na ako.
Pagkaupo ko ay agad akong binulungan ng natatangi kong kaibigan dito sa school.
"Anyare?" Bulong na tanong nya sa akin.
"Mamaya ko na ikukwento sa iyo" sagot ko naman sa kanya kaya tumahimik na lang sya at nakinig sa lesson.
*****
Makalipas ang dalawang oras ay natapos na rin morning half class namin.
"So tell me what was happened?" Medyo may pang-aasar na tanong sa akin ni Julie.
Pumunta kami sa harap ng open field at umupo sa may bench at doon na kami nag break time.
"So yun nga eh diba 2 years anniversary namin kahapon?" Pauna kong kwento.
Lumawak naman ang ngiti nya.
"Hoy! Mali yang iniisip mo. Nagcelebrate lang naman kami ng kahapon." Paliwanag ko pa sa kaniya.
"Anong klaseng celebrate ang ginawa nyo at nakuha mong malate huh?" Malisyosong tanong nya.
"Gaga! Ang dumi ng utak mo. Nagvideoke lang naman kami sa bahay at pagkatapos aynag movie marathon with food trip and yun lang" kwento ko sa kaniya.
Parang nadismaya naman ang itsura nya.
"Ayyy akala ko pa naman isinuko mo na si bataan" dismayang sabi nya.
Muntik ko na syang masabunutan dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba ito o ano. Imbes maging good influence sya sa akin ay parang nagiging bad influence pa sya.
"Hoy hindi ko ibibigay ang buong sarili ko hanggat hindi pa kami kasal. Halik nga hindi ko maibigay si puninay pa kaya" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Oo na yan ka eh haha hindi ka naman mabiro. Biruin you're living together in one house tapos wala pa palang nangyayaring ganon" sabi nya sa akin.
"Parang paghahanda lang naman itong ginagawa namin. At kailangan ko rin ng kasama sa bayarin sa apartment dahil ako ang bumubuhay sa sarili ko ngayon" paliwanag ko sa kaniya.
"Ewan ko ba sa iyo kung bakit hindi ka kasi humingi ng allowance sa parents mo" sabi pa nya.
"Hay nako. Ayoko ng umasa sa kanila lalo na at kaya ko na rin naman ang sarili ko" sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampir'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid