CHAPTER:25

1.3K 44 1
                                    

Astrid's POV

Bumaba na kami sa kalesa at nakarating na kami sa Reges Domus o palasyo ng hari.

Sobrang laki ng palasyong ito, kasya ang isang daang pamilya. Kahit sa labas mo lang sya tignan ay talagang mamamangha ka. Ito ang pinakamalaking palasyo na nakita ko dito sa Lamia Mundi.

"Wow" tanging nasambit ko.

"Mas maganda yan sa loob" sabi ni Eunice.

'Wow tinatanong?' Nakakainis talaga 'to.

"Come on" aya ni Alessandro sa akin kaya hinawakan ko din ang kamay nya na nakalahad.

May mga guard na yumuyuko sa amin bilang pagbigay galang.

Feeling ko tuloy isa akong prinsesa na napapanood sa T.V.

Napansin ko lang dito ay walang mga gadgets although may ibang mga appliances naman. Siguro ay naa-adopt ang gamit na iyon mula sa mundo ng mga tao.

"Sandro halika may ipapakita akong bagong painting sayo" sabi ni Eunice kay Alessandro at hinila ang kabilang braso nito.

Syempre hindi ako nagpatalo hinila ko naman ang kabilang braso nito.

Feel at home ba ang batang ito? Feeling nya nakatira sya dito? Duhhh.

"Sakin muna sya" sabi ko kay Eunice at binigyan sya ng pekeng ngiti.

"Sandro halik-" di nya natapos ang sasabihin nya ng sumingit si Almendra.

"Magsisimula na naman kayo. Akin muna ang kapatid ko" sabi nya at hinila si Alessandro palayo sa amin.

Aangal sana si Alessandro pero tinignan sya ng masama ni Almendra.

"Tsk saan ka ba kasi nila napulot?" Inis na sabi ni Eunice.

Aba loko talaga itong batang ito ah.

"Tsk bat ka pa pinanganak?" Inis na sabi ko din.

Alam kong offensive ang sinabi ko pero sa tingin ko wala lang yun para sa batang ito. Tigas ng bungo eh.

Tinignan lang ako ng masama nito at umalis pagkatapos ay umakyat na sa hagdan ng palasyo. Wow dito ba sya nakatira?

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng ihi.

"Saan yung banyo dito?" Bulong ko kay Spike.

"Bakit? Natatae ka?" Tanong naman nito.

Pinalo ko naman ang braso nito dahil sa lakas nyang magsalita.

"Baliw! Naiihi ako" bulong ko pa sa kaniya.

"What's that?" Seryosong tanong sa amin ni Alessandro nang makita kaming nagbubulungan ni Spike.

"Ah naiihi kasi ako, san ba yung banyo?" Tanong ko sa kaniya.

"Samahan na kita, baka ano nanaman ang mangyari sayo" sabi nito.

"Ayy wag na, kaya ko na ito, ituro mo na lang kung saan" sabi ko sa kaniya.

Napahinga naman sya ng malalim na parang alam niyang hindi nya ako makukulit.

"Diretsuhin mo yan tapos kumaliwa ka at kaliwa ulit tas kanan and yun na" sabi nya.

Parang ang haba naman ng dadaanan ko nito.

"Okay, copy" sabi ko sa kaniya at tumalikod na.

"Make sure you don't get in trouble" sabi pa nito sa akin kaya humarap ako sa kaniya at sumaludo.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon