CHAPTER:49

886 30 2
                                    

Astrid's POV

Tumakbo ako papunta sa Palasyo nila Sandro.

Bigla ata akong naging tanga dahil sa sinabi ni Ama kaya hindi ako nakasakay ng kalesa.

Gusto kong maka-usap si Sandro dahil sa mga sinabi ni Ama.

Alam kong ipaglalaban niya ako dahil ganon din ako.

After 20 minutes ng pagkatakbo ay nakarating na din ako sa Palasyo nila Sandro.

Nakapasok ako sa loob ng bahay nila pero hindi ko alam kung mapupuntahan ko si Sandro sa kwarto niya dahil nandito sa harap ko ngayon si Ate Almendra.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil alam kong pipigilan na naman niya ako.

Ayoko ng makipagtalo pa sa kaniya dahil magtatagal lang ang usapan namin.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya pagkatapos ay lumuhod at tinignan siya.

"A-Ate Almendra nakikiusap ako sayo kahit ngayon lang, hayaan mo akong makausap si Sandro, pakiusap" hindi ko alam na napapahagulgol na ako habang nakikiusap sa kaniya.

"T-Tumayo ka diyan" sabi niya sa akin at pilit na pinapatayo.

Umiling ako sa kaniya.

"Ate pakiusap" sabi ko sa kaniya na nagsusumamo.

"Si-sige na" sabi niya at bigla niya akong tinayo.

Napayakap ako sa kaniya dahil doon.

"Saglit lang" sabi pa nito sa akin.

Tumango ako sa kaniya.

"Salamat Ate" sabi ko at tumakbo na sa taas para kausapin si Sandro.

Nakarating na ako sa kwarto ni Sandro at kinakatok ito pero walang sumasagot.

"Sandro" tawag ko pero wala talagang sumasagot kaya naisipan kong buksan na alng ito.

Pagbukas ko ay wala akong nakita sa kama.

"Sabi niya magpapahinga siya" bulong ko sa sarili ko.

Sinubukan kong pumunta sa veranda niya pero wala din siya dun, kumatok din ako sa banyo niya pero wala pa rin, lumabas siguro siya.

Lalabas na sana ako kaso napansin ko yung sobre.

Dahan-dahan akong lumapit doon at kinuha ito.

Binaligtad ko ito at laking gulat ko nang makita ko ang palatandaang 'S'.

Ibig-sabihin siya ang nagpapadala ng sulat sa akin.

At posibleng siya rin ang pumatay kay Mark.

Napaupo ako dahil sa realization na iyon.

Naninikip ang dibdib ko dahil hindi sinabi ni Sandro sa akin ang lahat ng ito.

Napa-iyak ako dahil namatay si Mark nang dahil kay Sandro.

Pero nasa isip ko parin na baka may dahilan si Sandro kaya niya ginawa iyon.

Tama! May dahilan ang lahat kung bakit nangyayari, kailangan ko munang pakinggan si Sandro.

Lumabas ako ng kwarto niyat na dala-dala ang sobre.

Hinanap ko siya sa buong Palasyo pero wala talaga siya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon