CHAPTER:21

1.5K 48 1
                                    

Astrid's POV

Matapos ng ginawa ni Alessandro kanina ay mabilis din kaming umalis dahil baka magising pa sila Mommy at biglang itanong kung sino kami. Napakasakit ng mararamdaman ko kapag nangyari yun.

Ilang oras kaming nagbyahe hanggang inabot kami ng gabi papunta dito sa matirik na bundok.

"Handa ka na ba?" Tanong ni Almendra sa akin nang marating na namin ang tuktok ng bundok.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Oo handa na" sagot ko at tumango.

"Ngayon lilitaw ang portal dahil full moon" sabi pa ni Almendra.

"Portal?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Daan papunta sa Lamia Mundi" sagot nito.

Napatango na lang ako.

Maya-maya lang ay may unti-unting lumilitaw na isang maliwanag na bilog sa harapan namin.

"Maghanda na kayo" sabi ni Almendra sa amin.

"Hold me tight" sabi ni Alessandro  sakin.

Kumapit naman ako sa braso nya ng mahigpit.

Maya-maya lang ay nararamdaman kong unti-unti kaming hinihigop ng portal.

Napapasigaw ako dahil sa hindi malamang pakiramdam. Parang nalulula ako na gustong masuka.

Halos isang minuto din ang nangyaring iyon.

"Are you okay?" tanong ni Alessandro sa akin nang sa tingin ko ay makarating na kami sa Mundo ng mga Bampira.

Tawa naman ng tawa sina Almendra at Spike nang makita akong nahihilo at muntik masuka.

Bigwasan ko kaya itong dalawang ito, palibhasa kasi sanay na siguro sila.

"Shut up" pagbabawal naman ni Alessandro sa kanila kaya mabilis silang natahimik.

Pinikit-pikit ko ang mata para matanggal ang konti pang pagakahilo.

Nang maging maayos na ang pakiramdam ko ay inikot ko ang mata ko sa buong paligid.

Nagulat ako nang makitang parang hindi man kami umalis sa pwesto namin kanina.

"Pinaglolo-loko nyo ba ako?" Inis na tanong ko sa kanila eh kasi naman parang pareho lang ang lugar na ito eh.

"Easy ka lang Astrid, alam kong nagulat ka dahil ang bundok na ito ay kapareho lang ng bundok doon sa mundo ng mga tao, pero kung bababa na tayo sa bundok na ito ay isang napakalaking pagkaka-iba ang makikita mo" paliwanag ni Almendra.

"Ah" parang natauhan na sabi ko.

Naglakad na kami pababa ng bundok.

At napansin ko ngang malaki ang pinagkaiba ng mundong ito sa kinagisnan kong mundo.

Ang lugar dito ay parang yung mga napapanood ko sa T.V.

Bagamat simple ang mga bahay ay napakaganda nila, wala kang makikitang mga tricycle sa daan.

"Tandaan mo Bampira lahat ng nandito" paalala naman ni Almendra kaya napatango naman ako.

Maya-maya lang ng tuluyan  na kaming makababa ng bundok ay may kalesang nakaabang sa amin.

Napakunot naman ako ng noo dahil dito.

"Madame hinihintay na po kayo ni Donya Crisanta" sabi ng parang driver ng kalesa na ito. Napakapormal din ng suot nito.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon