CHAPTER:72

2.2K 52 64
                                    

Almendra's POV

"Sandro!" Tawag ko kay Sandro nang maabutan ko siya sa bahay na paalis.

Hindi niya ako pinakinggan at nagdire-diretso palabas kaya sinundan ko siya.

"Sandro!!" Sigaw ko at hinila kamay niya kaya napatigil siya at napaharap sa akin.

"What?!" Iritang tanong niya sa akin.

"Nagkakagulo sa bayan" paunang sabi ko sa kaniya.

"Then?" Inip na tanong niya.

"Dahil iyon kay Pandora! Sinisira niya na ang buong Lamia Mundi!" Nangagalaiting paliwanag ko sa kaniya habang naaalala ang mga nangyayari na nakita ko sa bayan kanina.

"So?" Parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari.

"Alam mo na?" Tanong ko sa kaniya dahil mukhang alam niya na.

"Yes, about 2 weeks ago" mahinahong sagot niya.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya.

"Bakit hindi mo sinabi?! Eh alam mo ba pala!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"Why? For what? What can you do about it? Yung hari nga natin walang magawa, tayo pa kaya" nakangising sabi ni Sandro sa akin.

"Sandro anong nangyayari sa iyo?! Wala ka na bang paki-alam sa mundo natin?!" Inis pa na sabi ko sa kaniya atsaka ko siya kinuwelyuhan.

"Si King Francis ba may paki-alam sa Lamia Mundi?" Cold na tanong niya sa akin.

Nakakagigil itong kapatid ko, halos mapatay ko na siya dahil sa sobrang inis ko.

"Oo! Wala lang siyang magawa dahil binantaan siya ni Pandora papatayin niya si Eunice kung hindi siya susunod sa sasabihin nito!" Paliwanag ko sa kaniya.

"Then why don't he find a way?" Chill na tanong ni Sandro.

Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sa kapatid kong ito.

"Anong paraan? Sige nga Sandro sabihin mo!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"See?? Pati ikaw hindi mo alam ang dapat gawin. Just let him do whatever he want, he's a King and he must think a lot of many ways to save Lamia Mundi if he really want to" sabi ni Sandro na nakapagpatahimik sa akin.

Feeling ko may point siya, Pointless...

Hayy ewan ko ba kung bakit wala akong masagot, hati ang sinasabi ng utak ko, na tama siya at mali siya, hindi ko alam.

"You know what Almendra? We already did our duty for Lamia Mundi, now it's time for King Francis to do something" mahinahong sabi ni Sandro sa akin nang hindi pa ako nagsasalita.

Napatingin ako sa kaniya at inisip ang sinabi niyang iyon, trabaho namin? Trabaho namin na hanapin si Astrid na siyang tagapagligtas namin at nahanap namin siya pero sa kasamaang palad ay nawala rin siya. Mukhang tama si Sandro sa kaniyang mga sinabi.

"Tama ka Sandro,... pero kailangan parin tayo ng Lamia Mundi, ngayong wala na si Astrid sa tingin ko ay panahon na para tayo naman ang umako sa responsibilidad niya na hindi niya natuloy, hindi man natin mapagtagumpayan na mailigtas ang buong Lamia Mundi, pero kahit papaano ay nasusugpo natin ang mga kapahamakan" paliwanag ko kay Sandro.

Tumingin siya sa malayo at sa tingin ko ay nag-iisip.

"I don't know" tanging nasabi niya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon