CHAPTER:31

1.1K 40 4
                                    

Almendra's POV

Matapos ang ilang oras ay nakabalik na sila Sandro, Spike at Jethro kasama si Tandang Sally.

"Nagawa nyo ba?" Salubong na tanong ko sa kanila.

"Puwede bang kumustahin mo muna kami?" Sabi naman ni Spike.

"Huh?" Walang ideyang tanong ko naman sa kaniya.

"Bakit? Nahirapan ka ba?" Sarkastikong tanong naman ni Tandang Sally kay Spike.

Natahimik naman si Spike dahil doon.

"Ayos na po ba?" Tanong ko pa kay Tandang Sally.

"Hindi pa ako pumalya sa mga ganitong bagay" sagot naman ni Tandang Sally sa akin.

Napangisi naman ako dahil doon. Iba din pala ang matandang ito.

"Umpisahan niyo na ang dapat niyong gawin" sabi ni King Francis sa kanila.

Lumapit na si Tandang Sally kay Astrid at may inilabas na isang maliit na bote.

Maya-maya lang ay ibinuka niya ang bibig ni Astrid at itinapat ang boteng ito sa bibig niya at may isang bilog na lumabas at pumasok sa loob ng bibig niya.

Bigla namang napasinghap si Astrid at unti-unti ng bumalik sa dati ang kulay ng balat niya.

Kahit napasinghap si Astrid ay nanatili pa rin siyang walang malay.

"Bakit hindi pa rin siya gumigising?" Tanong ni Sandro kay Tandang Sally.

"Alam kong miss mo na siya pero huwag kang ata, kailangan niya munang magpahinga" sabi ni Tandang Sally sa kaniya.

Gusto kong matawa dahil dun kasi natahimik si Sandro.

Sobrang natutuwa ako dahil naging maayos na ang kalagayan ni Astrid.

Maipagpapatuloy na niya ang kaniyang responsibilidad sa aming mundo.

*****

Astrid's POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napahawak ako sa ulo dahil sobrang sakit nito.

Dahan-dahan akong umupo at nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at napansing kong nandito ako sa kwarto ko.

Teka ano bang nangyari kagabi bakit ang sakit-sakit ng ulo ko?

Inalala ko ang lahat ng nangyari. Bigla akong nakaramdam ng galit ng maalala ang ginawa ni Eunice. Humanda sa akin ang batang ito nang dahil sa kaniya muntik na akong mamatay.

Teka buhay pa ako? Paano nangyari ito? Ang huli kong naaalala ay may nakasalubong akong Black Soul at pagkatapos nun ay wala na.

Baba na sana ako sa kama ko nang may biglang lumitaw na isang babae.

"Ahhh!" Napatili ako dahil sa gulat.

"Shhh" pagpapatahimik nito sa akin kaya naitikom ko ang bibig ko.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.

Parang nasa mid 30-40 ang edad niya.

"Hindi mo na kailangang malaman. Papaalalahanan lang kita na wag na wag mong hahayaang mawasak ang karugtong ng buhay mo" sabi nito sa akin nakapag-pagulo ng utak ko.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon