Eunice's POV
"Eunice kumain ka muna" sabi ni Ate Clara sa akin habang ako ay nakaupo sa may veranda at iniisip pa rin ang nangyari kay Ate Astrid.
Halos mag-iisang buwan na din nang maganap ang trahedyang iyon at hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Ate Astrid.
"Ate Clara?" Tawag ko kay Ate Clara habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Hmm?? Ano yun Eunice?" Tanong ni Ate Eunice sa akin.
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak.
"Bakit iniiwan ako ng mga taong mahal ko? Una si Kuya Jethro, Pangalawa si Ate Astrid, sila yung nagmahal sa akin ng tunay pero bakit nnagyayari ito?" Sabi ko at bumugso na ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.
"Shh, tahan na Eunice, huwag mong sabihin 'yan, nandito pa kami ng mga taong nagmamahal at mas magmamahal sayo, ayaw ng ate at kuya mo na nalulungkot ka kaya sana magpakatatagka Eunice" sabi ni Ate Clara at lumapit sa akin pagkatapos ay niyakapa ako.
"Kung alam ko lang na mawawala sila agad sa akin, sana ibinuhos ko na ang buong pagmamahal na maaari kong ibigay" sabi ko pa at sobrang naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Eunice makinig ka sa akin, walang may gusto ng mga nangyari, hindi din natin inaasahan ang lahat ng ito, 'wag kang magagalit sa sarili mo, alam kong naiintindihan ka ng kuya at ate mo dahil mahal na mahal ka nila" sabi ni Ate Clara sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at pinunasan ang mga luha ko.
Napatango ako sa sinabi niya dahil medyo gumagaan ang pakiramdam ko.
"Ate Clara mangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan" sabi ko sa kaniya dahil takot na akong mawalan pa.
Tumango-tango si Ate Clara at nginitian ako.
"Pangako Eunice, hinding-hindi kita iiwan" sabi ni Ate Clara sa akin.
"Salamat Ate" sabi ko hinigpitan ang yakap sa kaniya.
*****
Almendra's POV
Sumasariwa pa rin sa amin ang anngyari kay Astrid, hindi ko man lang siya nakausap bago siya mawala.
Hindi man din namin mahanap ang katawan niya dahil walang daan upang makababa kami sa Bundol Lamia.
Si Alessandro madalas na hindi umuuwi at kung uuwi man ay sobrang cold ng itsura halos hindi namin siya makausap.
"Almendra you have to follow me!" Biglang sulpot ni Spike sa kung saan, dahil sa aligaga ay napasunod naman ako sa kaniya.
Sumakay siya sa kalesa at sumakay na din ako.
"Spike saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Basta makikita mo na lang" sabi ni ito at tumingin sa bintana.
Dahil sa inis ko ay kinwelyuhan ko siya.
"Sasabihin mo o tatanggalan kita ng puso?!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Chill ka lang, pupunta tayo sa bayan" sabi nito at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Umatras naman ako at binitawan na siya.
"Anong gagawin natin doon?" Nakakunot-noong tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid