CHAPTER:45

1K 30 0
                                    

Astrid's POV

Pagkatapos naming mag-away ni Esmeralda ay pumasok na ako sa kwarto ni Sandro at naupo muna sa may gilid ng kama niya.

Hinihintay ko siyang magising. Nung mainip ako ay nilibot ko muna ang kwarto niya.

May mga nakapaskil sa pader niya na mga painting na sa tingin ko ay siya.

Pagkatapos ay napunta ako sa side table niya at napansin kong may sobreng nakalagay doon, nagtaka akong kung ano 'yun dahil parang pamilyar.

Lumapit ako doon at tangkang hahawakan pero biglang nagising si Sandro.

"Astrid" tawag niya sa akin.

Mabilis naman akong lumapit sa kaniya.

"Oh kumusta ang pakiramdam mo?" Agad na tanong ko sa kaniya.

"I'm very very fine now honey" sagot niya at ngumiti.

"Salamat naman kung ganon, gutom ka na ba? Pinagluto kita ng lugaw" sabi ko sa kaniya at inilabas ang lugaw sa basket.

"Oh yeah I'm hungry na" sabi niya at dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa head board ng kama niya kaya inalalayan ko myna siya.

"Oh eto mainit-init pa" sabi ko at sinusubuan siya ng lugaw.

"I can do it baby" sabi niya na parang naiilang sa ginagawa ko.

"Ano ka ba, hayaan mong ako muna mag-alaga sayo ngayon" sabi ko sa kaniya.

"But-" hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil pinutol ko ito.

"Walang pero pero, oh nganga, say ahh" sabi ko sa kaniya at tinapat ang kutsara sa bibig niya, wala na siyang nagawa kung hindi kumain.

Napapangiti naman ako dahil napaka cute niya.

Ilang minuto lang ay natapos na din siyang kumain.

"Oh uuwi muna ako at pagluluto ka naman ng pananghalian" sabi ko sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya.

"Sweetie I'm already fine na, don't make yourself tired" sabi niya sa akin.

"Hay naku, hindi ako mapapagod basta para sa taong mahal ko" seryosong sabi ko sa kaniya.

"I love you too" sabi niya at inilapit ang noo ko sa kaniya at hinalikan ako.

"Nakakachamba ka ah" sabi ko sa kaniya kaya bahagya siyang natawa dahil doon.

"Hmm honey" tawag niya sa akin at bigla siyang nagseryoso.

"Ano yun?" Tanong ko habang nag-aayos ng gamit na pinagkainan.

"I have to go back to your father" sabi niya sa akin kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Sigurado ka ba diyan? Baka naman hindi ka pa talaga ayos at bigla kang sumpungin ng sakit doon" pag-aalalang sabi ko sa kaniya.

"Don't worry baby, I'm sure na ayos na ako. Your father really needs me there" sabi niya sa akin kaya lumapit ako sa kaniya.

"Wala naman akong magagawa, may obligasyon ka din naman para sa mundo natin, basta lagi kang mag-iingat, kayo ni Ama" sabi ko sa kaniya.

"Thank You Sweetheart" sabi niya at niyakap ako kaya gumanti ako ng yakap.

*****

Pagkatapos ng mga naging usapan namin ni Sandro ay ilang oras lang ay bumalik na siya kay Ama.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon