Astrid's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil namamahay pa ako.
Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako dahil kinatok na ako ng katulong dito.
Naks ang yaman ko na!
Siguro bago pa kami makapunta sa dining area lawlaw na dila ko dahil sa gutom.
"Good Morning!!" Masigla kong bati sa kanila.
Ngumiti naman si Kuya at si Ama.
"Tsk kanina pa ako gutom" inis na sabi ni Eunice.
Sarap kalbuhin ng batang ito.
"Maupo ka na Astrid at kumain" sabi ni Ama sa akin.
Umupo na ako at pinagserve naman ako ng katulong dito.
Hindi ako sanay sa marangyang buhay. Sanay ako na ako ang nagtatrabaho.
"Strawberry juice po ba ito?" Tanong ko at taas ko sa basong hawak ko na kulay pula ang laman.
Inamoy ko ito at medyo malansa ang amoy. Imbes na masuka ay parang nauhaw ako bigla.
"Yan ay dugo anak, kailangan nating mga bampira yan upang lumakas" sabi ni Ama sa akin.
Parang ayokong inumin kahit na nauhaw ako dahil hindi ako sanay.
"May tubig po ba?" Tanong ko at binitawan ang basong may dugo.
"Anak isipin mo na unang step mo yan para makapag-aral sa pagiging bampira" sabi ni Ama.
Napatango na lang ako. Hindi naman ako maka-angal dahil baka sabihin nila ang arte ko.
***
Pagkatapos naming kumain ay nagpahangin muna ako sa may parang kubo ng palasyo.
Kamusta kaya sila Mommy ngayon? Sana ayos lang sila. Si Alessandro kaya kamusta na? Namiss ko din yun bigla ah.
Wala naman kasing cellphone dito para makapagtext sa kaniya.
"Anak naiinip ka ba?" Biglang sulpot ni Ama.
"A-ah hindi naman po" sagot ko kahit na hindi totoo.
"Gusto mo bang mamasyal muna sa bayan? Sa pamilihan ng mga damit at ng kung anu-ano" sabi ni Ama.
Para namang nagliwanag ang mga mata ko sa narinig ko.
"May pamilihan po dito?" Tanong ko kay Ama.
"Oo naman, parang sa mundong kinalakihan mo" sabi ni Ama.
"Sige po" sabi ko kay Ama.
"Sige pasasamahan na lang kita kay Eunice" sabi pa ni Ama.
"Baka po ayaw niya" sabi ko naman. Eh siguradong ayaw ng bruhang iyon.
"Bakit naman? Kapatid ka niya kaya hindi sya pwedeng umayaw, sabihin mo sa akin kapag may ginawa syang kalokohan sa iyo binibigyan kita ng permiso para turuan sya ng leksyon" sabi ni Ama sa akin.
Parang pumalakpak naman ang dalawa kong tenga dahil sa narinig ko.
Napangiti na lang ako kay Ama at napatango.
***
"Hayss bat kasi ako pa ang pinasama, imbes na nagpepainting ako" reklamo ni Eunice habang nasa kalesa kami at papunta sa bayan para mamasyal.
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid