CHAPTER:52

869 31 0
                                    

Spike's POV

Nabalitaan ko kahapon ang nangyari sa palasyo, hindi ako nakadalo sa pagpupulong dahil may iba muna akong ginawa.

Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Astrid iyon na nakapatay siya.

Hindi ganon ang kilala kong Astrid. Sobrang laki ng binago ng pagmamahal sa kaniya.

Nang dahil sa sakit na naidulot ng pagmamahal ay nagawa nitong baguhin ang isang tao.

Nakakalungkot isipin na ang isang taong malapit sa akin ay biglang nagbago, pero hindi ako susuko na tulungan siyang bumalik sa dating siya.

"Uminom ka muna ng Juice" alok sa akjn ni Jethro, nandito ako sa Palasyo nila dahil gusto kong makausap si Astrid.

"Salamat" sagot ko sa kaniya.

Maya-maya lang ay lumabas na si Astrid pero ibang-iba na talaga ang awra niya.

Mabilis akong lumapit sa kaniya kay napahinto siya.

"May kailangan ka?" Parang bored na tanong nito sa akin at nag-cross arms pa.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko sa kaniya.

"Bakit hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin, masasayang lang ang oras ko, madami pa akong dapat gawin" sagot nito sa akin na parang walang pakealam.

Dati sanay ako sa mga pambabara niya dahil alam kong mabuting puso ang meron si Astrid noon pero ngayon ay iba na talaga. Napakasakit!

"Saglit lang ito, Promise" pakiusap ko sa kaniya.

"Tsk" sabi niya lang at pumunta sa Garden nila kaya sinundan ko siya.

"Limang minuto" sabi niya nang makarating kami sa Garden nila na ang tinutukoy ay maximum ng oras na sasabihin ko sa kaniya.

"Astrid please ibalik mo na yung dating Astrid na nakilala ko" pagmamaka-awa ko sa kaniya.

Napatingin siya sa akin ng seryoso.

"For what?!" Sabi niya.

"Astrid, walang maidudulot na mabuti yang ginagawa mo" sabi ko pa sa kaniya.

"Dahil wala ding mabuting naidulot ang ginawa ninyo sa akin" sagot niya.

Parang nasasaktan ako dahil ramdam ko ang sakit sa mga salita niya.

Wala akong kinalaman sa ginawa ni Sandro pero parang sangkot na ako dahul kaibigan ko siya.

"Astrid please huwag mong punuuin ng galit iyang puso mo" pagmamaka-awa ko pa sa kaniya.

Puno ng pag-asa ang puso ko para mapabuting muli si Astrid.

"Bakit?! Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Ikaw ba ang nasaktan?? Hindi! Kaya kung yan lang naman pala ang sasabihin ay mabuti pang umalis na ako dahil nasasayang lang ang oras ko!" Sigaw pa nito sa akin pagkatapos ay tinalikuran na ako.

Sinubukan ko pa siyang pigilan pero hindi niya ako pinakinggan.

*****

Eunice's POV

Ilang araw ng madilim ang awra ni Ate, hindi ako sanay na ganito siya, sanay ako na masiyahin siya at mahilig siyang mag-explore ng bagay-bagay.

"Eunice sumama ka sa akin" tawag sa akin ni Ate Astrid pagkagaling niya sa Garden.

"Huh??" Nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon