CHAPTER:9

2.2K 57 2
                                    

Astrid's POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at nadatnan kong nagbubulung-bulungan ang mga classmates ko kaya mabilis akong umupo sa tabi ni Julie para makiusyoso.

"Uyy may chika ako sayo" biglang sabi ni Julie.

"Oh anong meron?" Tanong ko naman sa kaniya.

"May bago daw tayong prof, hindi ko lang alam kung saan" kwento nya sa akin.

"Wow buti nagpalit sila ng prof? Sa tinagal-tagal nating nag-aaral dito ngayon lang sila nagpalit ah" nagtatakang sabi ko sa kaniya.

"Baka naman nagretired na yung isa sa mga prof natin" sabi naman ni Julie.

"Hmm baka nga" sabi ko sa kaniya at nanahimik na lang.

Makalipas ang limang minuto ay nagulantang kami sa taong pumasok sa room namin.

Parang nag i-slow-mo ang paligid habang naglalakad sya. Napaka cool nyang maglakad, ang hot nyang tignan. Mula sa redish nyang kulot na buhok magagandang mata, ilong, labi at maputing balat na napakakinis. Ang lakas ng charisma nya habang naglalakad. Isang napakagandang babae ang pumasok sa room namin naka pencil skirt above the knee.

"Matunaw ako" sabi nya nang mapansing nakatitig pa rin kami sa kaniya.

"Ang ganda" bulong ko sa sarili ko. Parang may kamukha sya.

Biglang tumayo yung mayabang naming kaklase na lalaki at lumapit sa harap ng babaeng pumasok.

"What's your name Miss?" Tanong nito at hinawakan ang baba nito na parang nagfiflirt.

Napabuntong hininga na lang ako sa ginawa nito.

Bigla namang ngumisi ang babaeng nasa harap namin pagkatapos ay malakas na hinawakan niya ang daliri ng kaklase namin at parang binali.

"Ahhh!!!" Sigaw ng kaklase namin.

Halos hindi kami makapaniwala sa mga nakikita namin. Ang lakas nya naman.

"How can you disrespect your Professor?" May diin na sabi nya pero nakangisi pa rin sya.

Sya ang sinasabi nilang bago naming prof? Mala demonyo ang nakikita ko sa kaniya.

"S-sorry ma'am" sabi ng kaklase namin pagkatapos ay binitawan nya na ang daliri nito at pinaupo.

Nagbulung-bulungan naman ang mga kaklase namin.

"Quiet!" Sigaw nya kaya natahimik kaming lahat.

"Hahahah You all look like you're going to pee?" Mala demonyo nyang tawa at sabi na parang nababasa ang takot sa ekspresyon ng aming mukha.

Halos walang kumikibo sa amin.

"Hmm ang tahimik naman pala ng section nyo. I think mag-eenjoy ako" nakangisi pa rin nyang sabi.

"By the way I'm Angel your new Professor in Literature" sabi nya.

Hindi ko alam kung makakatagal ako sa ugali ng prof naming ito. Anghel ang pangalanan pero ang nakikita ko sa kaniya ay isang demonyo.

"Gusto ko umayos kayo sa subject ko and I'm watching all of YOU" sabi nya na biglang naningkit ang mga mata at biglang tumingin sa akin matapos sabihin ang mga huling kataga.

Feeling ko lang ba na tumingin sya sa akin o hindi? Ayy ewan.

*****

"Ang cool ng Prof natin kanina noh?" Sabi ni Julie habang kumakain kami dito sa rooftop kasama sila Alessandro at Spike.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon