CHAPTER:56

863 37 0
                                    

Astrid's POV

"Nakulog ba 'yang utak mo kaya kung anu-ano ang sinasabi mo?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"No, I'm serious Astrid. I can sense everything inside a vampire's body, and when i pull you closer to me, i feel the heart beat of a baby" seryosong paliwanag nito sa akin.

Kita ko sa mukha niya na seryoso siya at sa tingin ko ay totoo nga ang sinasabi niya dahil 4 months na akong hindi dinadatnan na akal ko ay normal lang sa aming bampira pero hindi pala.

"T-Teka seryoso ka ba?" Tanong ko pa sa kaniya.

"I'm telling the truth Astrid, believe me" sagot niya naman.

Napatango ako sa kaniya dahil naniniwala na ako.

Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.


"So what's your plan?" Tanong pa nito sa akin.

Napaisip ako sa tanong niya.


"Hindi ko pa alam Ethan, siguro kung sabibin natin kay Ama, matatanggap naman niya siguro" sabi ko sa kaniya.

"Hmm okay, what about sa father ng bata?" Tanong niya sa akin na nakapagpatigil sa akin.

Naisip ko yung sakit na naidulot niya sa akin.

"Hindi ko sasabihin sa kaniya ang tungkol dito" sagot ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

Napatingin ako sa kaniya nakita kong seryoso ang mukha niya.

"Hindi ko man alam ang pinagdaanan mo pero kanina matapos nang ginawa mo kay Sandro ay nakausap ko siya" paunang kwento niya sa akin.


"Huwag kang maniniwala doon, sinungaling siya" sagot ko at pumatak ang mga luha ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit nasasaktan nanaman ako? Bakit parang ang tagal matapos ko maramdaman ang ganito?!

"Try to open your ears and your heart, listen to him first, everything happens for a reason, ikinwento niya sa akin na nasaktan ka niya pero nasaktan din siya sa ginawa niua sayo at nagsisisi siya ng sobra kung bakit niya ginawa iyon" kwento niya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagkukwento siya.

"B-Bakit daw?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Ayokong sa akin manggaling, gusto kong siya mismo ang magsabi para mas maintindihan mo" sagot niyo sa akin.

Napatango na lang ako sa kaniya.

"At isa pa, alisin mo na yung galit sa puso mo, dahil base sa kwento ng mga kapatid mo sa akin tungkol sayo ay iba ka sa nakilala ko ngayon, madami na ang nasasaktan Astrid, maging ang pamilya mo ay nasasaktan mo na dahil diyan sa galit na inipon mo sa puso mo, huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo at pagsisihan mo sa huli, baka mapahamak ang batang nasa sinapupunan mo" pangangaral nito sa akin na hindi ko magawang sagutin.

Napayuko ako at napahawak sa tiyan ko.

Narealize ko bigla ang mga nagawa ko kina Kuya at Eunice, maging sa buong bampira ng Lamia Mundi.

Napaupo ako dahil sa panghihina, ibinuhos ko na ang mga luha kong gustong lumabas.

"A-ANG SAMA KO!!! B-BAKIT KO ITO NAGAWA?!!!" Sigaw ko habang umiiyak.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon