Celine.
"Nathan, please open the door!" Pano ba naman kasi halos 5 minutes na akong nakatayo dito tapos dala ko pa ung soup baka lumamig na 'to!
" Ayoko nga sabi eh! Umuwi ka na!" sigaw niya. Oh! this boy is getting to my nerve!
" Ang kulit kulit mo naman! sabi ko naman kasi na di ako uuwi hangga't di mo ako pinapatawad eh!" sabi ko
" Ah! so, ako pa makulit ngayon? Eh ikaw nga 'tong pinapauwi ko kanina pa!" Ang arte talaga ng lalaking to!
" Nathan ano ba bubuksan mo ba 'tong pintong 'to o sisirain ko nalang?!" sigaw ko sakanya.
"Tsk! eto na bubuksan ko na nga!" sigaw niya.
" O, eto ung soup kainin mo!" sigaw ko
" Ayoko baka may lason o gayuma pa yan!" Aba tignan mo nga tong lalaking to siya na nga ung pinagluto ko ng soup siya pa ung mag-iisip ng kung anu-ano!
"Wag kang mag-alala insecticide lang nilagay ko diyan..." seryosong sabi ko dito.
" Subuan mo na nga lang ako!" sigaw nito.
" Aba, sinuswerte ka yata, kamahalan!" sabi ko naman dito.
" Exactly, para mapatawad kita magiging kamahalan mo ako in 3 months! Hep! Hep! Hep! bawal tumanggi kung gusto mo talagang mapatawad kita you should be my ALIPIN!" Sabi niya.
" Seryoso ka? ako magiging alipin mo? nababaliw ka na ba?!" sigaw ko sakanya.
" Ano gagawin mo ba o hindi na kita papansinin at mag- aaway nalang tayo parati?" kalmadong tanong nito.
" Sabi ko nga pumapayag ako! may magagawa pa ba ko?!" sabi ko naman dito.
" Oo, linisin mo 'tong kwarto ko!" utos nito.
" Aba' t talagang seryoso ka?!" sigaw ko
" Oo. Kaya sige! linis!" utos ulit nito.
" Ayan na nga maglilinis na!" sabi ko
"Ay bago pala yun alipin, subuan mo muna ako dahil may sakit ako!" sabi pa nito.
" Talaga bang may sakit ka o nagsasakit-sakitan ka lang?" sabi ko dito.
" Aba, pinaghihinalaan mo pa talaga ako, noh? dahil diyan extended ng 1 hour ung pagiging alipin mo ibig sabihin 3 months and 1 hour na!" sigaw nito.
"Eh ano naman ngayon?" pang-aasar ko dito.
" Dahil diyan dagdag 1 hour ulit." seryoso na sabi niya.
"Nathan, nahihibang ka na ba?" sabi ko
" Subuan mo na ko kung ayaw mong madagdagan ng 1 month ang pagiging alipin mo." sabi niya.
" Tsk "
Sinubuan ko siya pero syempre gaganti ako!
" Oh, eto na!" at pag kasubo ko sa kanya ng spoon, idiniin ko pa ito lalo dahilan para masamid siya. Bwahahaha! sakin pa rin ang huling halakhak!
" Aray ko naman! ingatan mo naman ung kamahalan mo! "
" Kamahalan your face!" sabi ko
"Okay, dagdag 1 mo---"
" Dagdagan ko pagmumukha mo diyan eh" Ayan tuloy nagiging masama na ako dahil sa kanya!
Hindi naman na siya nagsalita at tumahimik nalang. Pagkatapos ko siyang subuan ng soup pinainom ko naman siya ng gamot.
" Oh, eto inumin mo!" sabi ko dito. Kinuha naman nito ung gamot.
" Linisin mo kwarto ko, Alipin!" sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Roman pour AdolescentsLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...