Elle.
"Pumasok na tayo sa second subject natin." Nakangiting sabi sakin ni Ken. Blockmate ko kasi siya sa halos lahat ng subjects namin. Hindi ko alam kung pinasadya niya 'yon o hindi.
"Okay" sabi ko sakanya. Maglalakad na sana na ako nang bigla niya ulit akong tinawag at may ibinigay sa aking gamot.
"Take your medicine first para mabilis mong maalala lahat. Papaubos na nga pala yung gamot mo kaya dadaan pa tayo kay Doc mamaya." Sabi niya sakin. Kaagad ko naman itong kinuha sa kanya.
"Thank you"
Pagpasok namin sa room nakita ko kaagad yung apat na lalaki sa loob nito. Blockmates namin sila? Dahil wala nang ibang bakanteng upuan, napilitan kaming umupo ni Ken sa tabi nila. Nakatabi ko pa tuloy yung isang lalaki hindi ko siya kilala eh basta siya yung pinakamukhang masungit sa lahat!
"Okay ka lang ba diyan, Elle? Gusto mo palit tayo?" Tanong sakin ni Ken
"Okay lang ako." Maya-maya pa'y dumating na yung professor namin at dahil nga first day palang namin pinagpakilala niya kami isa-isa.
Doon ko nalaman yung mga pangalan ng apat na'to. Nung turn ko na para magpakilala, nagulat ako sa sinabi ng professor namin. "Ms. Celine, you're back!" Masayang sabi niya sakin.
"Huh? Ako po? Pano---" Pinutol niya kaagad yung sinasabi ko.
"Yeah of course! Sino ba naman ang hindi makakaalala sa Ms. Campus?" Sabi ni Sir.
Naguguluhan na ako. Celine na naman? Sino ba siya? Elle ang pangalan ko at hindi Celine.
"Errm, sorry sir but my name is Elle and not Celine." Sabi ko sakanya kaya napatulala siya siguro na-disappoint siyang hindi ako yung Celine na tinutukoy niya.
"Ah, o-okay you may take your seat." Sabi niya at sumunod namang nagpakilala si Ken.
Habang nagsasalita si Ken, lumapit sakin yung Nathan siya kasi yung katabi ko at siya rin ang pinakamukhang masungit sa kanilang apat.
"I missed you." bulong niya sakin. Uh-oh. Bakit niya ako binulungan ng ganon? Nakadrugs ba siya at all of a sudden eh bubulungan niya ako ng 'I missed you'?
Easy lang, Elle baka nag-aassume ka lang baka naman para sa katabi niya yung isa sino nga ulit 'yon? Mark? Oo, Mark nga yata yung name non. Pero bakit naman niya bubulungan ng ganon yung kaibigan niya? Oh my, bakla ba siya?!
Tumingin ako kay Nathan para masigurado kung sino yung sinasabihan niya non at pagharap ko sakanya, nakatingin siya sakin! So, ako talaga yung pinagsabihan niya?!
"Uy, Elle" pagtawag sakin ni Ken. Tapos na pala siyang magpakilala.
Hindi na tuloy ako nakapagconcentrate dahil sa Nathan na 'yon. Kaasar.
Naglesson na kaagad si Prof. kaya medyo nabaling yung attention ko sa kanya. Pero ang busit na Nathan lumalapit pa rin!
Pagkatapos ng klase namin dumiretso kaagad kami ni Ken sa cafeteria at habang naka-upo, naririnig ko yung usapan ng mga estudyante na habulin daw talaga ng mga babae yung apat na lalaki na 'yon.
Nagkaroon tuloy ako ng idea na kaya niya lang 'yon sinabi sa akin kanina dahil 'yon ang paraan niya para makuha ang loob ng babae. Di ba usually kasi yung mga habulin ng mga babae, mahilig din sa mga girls?
Dumating na si Ken dala yung mga pagkain namin.
"Mukhang malalim yata 'yung iniisip mo ah?"
"Ah, hindi naman" tipid kong sagot sakanya.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Novela JuvenilLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...