Chapter 34: Master Po Ping

246 15 0
                                    

Enjoy!
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

Elle.

"Halika na po manong baka po ma-late ako." Kaagad namang pinaandar ni manong yung sasakyan.

After 30 minutes, nakarating na rin kami sa campus. Habang naglalakad ako papuntang classroom, bigla namang may tumawag na unregistered number sa akin.

"Hello?"

"Elle, how are you?" Si Ken pala

"I'm fine. Kailan ka uuwi?" Sagot ko sakanya

"Mukhang matatagalan pa ako rito"

"Ganon ba? Bakit ka nga pala napatawag?"

" I'm thinking kasi na papuntahin nalang kita rito sa Singapore para may kasama ako."

"Paano yung pag-aaral ko rito kung pupunta ako ng Singapore? Di ba ikaw na nga ang nagsabing matatagalan ka pa diyan? Isa pa maayos naman ako rito eh."

"Fine but tell me the truth. Kinakausap ka ba nila Nathan?"

"Hindi naman"

"Good. Don't go near them ha?"

" Yes, boss. Bye na malalate na ako sa first class."

"Okay, bye."

Pagkatapos kong i-end yung call bigla namang may nakabangga sa akin kaya nahulog lahat ng gamit ko.

"Sorry" sabi nung taong nakabunggo sa akin hindi ko na tinignan kung sino pa siya dahil isa- isa ko nang pinulot yung mga gamit ko.

Grabe ha! Ano 'to TV show? Pinapanood lang kasi ako nung taong nakabunggo sakin. Uso kayang tumulong!

Pagkatapos kong magpulot ng mga gamit ko tinignan ko nang masama yung lalaki.

"Salamat sa pagtulong sakin ha?" Sarkastikong sabi ko kay Nathan. Oo si Nathan yung walang pusong bumunggo sa akin at hindi man lang talaga ako tinulungan.

"You're welcome" Tsk, kapal. Aalis na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Elle!"

"Oh? Nawawala ka ba? Makatawag ka ah." Nakakainis talaga yung lalaking 'to!

"Ako nawawala? Ikaw yata yung may nawawala eh." Pinagtitripan ba ako ng lalaking 'to? Tinignan ko naman yung bag ko para malaman kung may nawawala ba akong gamit. Uh-oh nasan yung--?

"Ito ba yung hinahanap mo?" Sabi niya sakin sabay taas ng Kung Fu Panda kong socks. Oo, may baon akong medyas pano kasi wash day namin ngayon kaya hindi kami naka-uniform tapos may subject pa akong P.E. kaya nagdala ako ng socks di ko naman kasi akalaing makikita pa 'yon ng lalaking 'to!

"Akin na nga yan!"

"Nice socks." Sabi niya sakin na may halong pang-aasar.

"Ibigay mo na nga sa akin yan! Male-late na ako!" Sabi ko sakanya habang pinipilit kuhanin yung socks sa kanya.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa nagkukung-fung panda." Sabi niya sakin

" Fudge! Ibigay mo na nga sa akin yan!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Fine! Ito na." Sabi niya sakin habang tumatawa.

Limited edition lang kasi 'tong medyas na 'to kaya hindi ko pwedeng iwanan na lang basta-basta sakanya.

Lumakad na ako papuntang classroom at akalain mo nga namang blockmate ko pala yung abnormal na lalaking 'to.

Dahil wala na ngang vacant seat sa tabi ko pa tuloy naupo si Nathan. At ang loko naka-ngisi pang umupo sa seat niya sarap sapakin.

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon