Celine.
Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Nate kaya binilisan ko yung paglalakad ko.
"Oops... Ms. Andrada di porket sinigawan mo ko nung nakaraang araw eh pwede mo na akong daan-daanan! Baka nakakalimutan mo kamahalan mo pa rin ako and ako lang makakapagsabi pag malaya ka na!" sabi niya sakin.
" Hoy, Nathan di ka pa ba nadala sa ginawa kong pagsigaw sayo? Tumigil ka nga diyan!" pagsusungit ko pero sa totoo tawang tawa na ako pano kasi yung mukha niya sobrang priceless na ewan. Inaamin ko mali yung ginawa ko sakanyang pagsigaw nung isang araw siguro kasi nakita ko silang magkasama ni Sab I don't know what happened to me that time kasi sobrang nainis ako to the point na nasigawan ko siya but its really peculiar feeling. Siguro sasabayan ko nalang siya sa mga trip niya para naman makabawi ako.
" Ah, eh basta! we had an agreement!" sabi niya.
" Pffftt. Sige na nga hahaha!" sabi ko sakanya.
"O-ohh ba-bat ka tumatawa diyan ha?!"
" Wala halika na baka malate pa tayo" sabi ko dito.
"How are you?" tanong niya sakin. Napahinto naman ako mula sa paglalakad.
" Honestly, I don't feel okay right now. Wala nang time para sakin si Zack."
" Maybe he's just busy " sabi niya.
" Wait lang parang biglang nagbago yung ihip ng hangin... parang nung isang araw lang sinusumbong mo siya sakin tapos ngayon parang kampi ka pa sakanya!" sabi ko dito.
" Nope. I' m just stating the possibilities" sabi niya. Maya-maya nagsimula na kaming lumakad.
Nakakailang hakbang palang kami nang makarinig kami ng nag-uusap.
" Look, di ko alam magiging reaction niya pag sinabi ko sakanya 'yon" sabi ng lalaki.
" Okay just tell her later! If you will not do it alam mo na mangyayari, Zack" sabi ng babae. Wait, did she just mention Zack's name or baka magkamukha lang sila ng pangalan and wait parang boses ni Rhian yun ah. Magkasama sila?
Pupuntahan ko na sana kung saan nagmumula yung boses pero hinila ako ni Nathan papalapit sa kanya.
" Ahm, know what? baka malate tayo saka eavesdropping is not right, Ms. Andrada." sabi ni Nathan. Wala na di ko na napakinggan ito kasing tao na'to eh!
Maya-maya pa nasa tapat na kami ng room but... my phone rang.
Zack's calling.
"Hello?"
"Celine, I'm sorry sa mga nakaraang araw na wala ako sa tabi mo... can we meet later? After class let's have a dinner in our favorite resto. " sabi niya
" Yeah, see you!" tapos pinatay na niya yung call. Di man lang nangamusta. Hays, don't expect too much, Celine saka inaya ka naman niyang magdinner eh. I think that's enough.
Many hours had passed tapos na yung class namin.
To make the story short, nagpahatid ako sa driver namin kasi Zack was not able to fetch me due to some reasons again. Haist ganito naman palagi eh and I'm sick of these kind of scenarios.
" Welcome po Ma'am, table for?" Bati sakin ng waiter.
" Ahm, I think Zack had a reservation..."
" Ms. Celine? "
" Yes."
" This way po" sabay guide sakin ng waiter.
Okay. Magaling. Wala pa dito si Zack. Hays, ano ba nangyayari sakanya?
30 minutes later sa wakas nakita ko na yung sasakyan niya. Pero wait tama ba yung nakikita ko he's with Rhian? No, baka namamalikmata lang ako...
Pero hindi eh si Rhian talaga 'yon!
Okay. Calm, Celine. I think Zack has a valid explanation.
" Oh, Hi stepsister! " Greet sakin ni Rhian and I gave her a blank look.
"Ahm, Celine... I have something to explain"
" I think you really need to explain. What is the meaning of this?"
" Celine... Rhian and I..." Di na natapos ni Zack yung sasabihin niya nang biglang sumingit si Rhian.
" Zack and I are couples! Naging girlfriend ka lang niya because his family needs money and the only thing na naisip nila ay kuhanan ng pera yung mga magulang mo. Ngayong nagawa na nila I think Mommy Kelly will be happy at wala nang reason to pretend na gusto ka rin ni Zack! And by the way DARE lang namin kay Zack na ligawan ka hindi naman namin alam na kakagat ka sa pagiging sweet- sweetan niya sayo!" sabi niya.
What the heck is happening here?! Ginamit lang nila ako?! Sh*t! Tama nga yung narinig ko kanina sa hallway sila nga 'yon. Ano ba ginawa ko sakanila bakit nila ako pinaglalaruan?! Celine, don't you dare to cry! Wag mong pakita sa kanila na mahina ka, lumaban ka naman!
" S-so what kung dare lang 'yon? Sa tingin niyo masasaktan ako ng ganon ganon lang? I've been hurt before and trust me, I didn't feel anything. Ikaw? wala ka na bang magawa sa buhay mo kung di gawing miserable ang buhay ko? Get a life, B*tch!" sabi ko kay Rhian. And her facial expression? Priceless.
" And you poor, horrible, pathetic, gold digger, Bastard! You made me believe sa mga sweet gestures mo! Do you really think that I am that gullible? What a jerk. Do you need money? Sana sinabi mo nalang para naman nakapagdonate ako sayo. How pathetic? Tapos na ba kayo sa laro niyo? If not sabihin niyo lang para naman maumpisahan ko yung laro ko... Believe me di niyo gugustuhin yung gagawin ko. You started it, I'll end it!" sabi ko sakanila sabay alis sa lugar na 'yon at doon na unti-unting bumagsak yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
---------------------------------------------------
A/N: Yay! Sorry guys for the long wait. I hope it is worth the wait. I just want to say thank you sa lahat ng nagvovote, nagcocomment and to those who added my story sa reading list nila. I will try my best to update this week. Again sorry and Thank you!
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Teen FictionLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...