Chapter 48: Court

151 7 0
                                    

A/N: Before you start reading this chapter, please be informed that the narration is not very factual. Some statements or articulations are just products of my imagination. Sorry for some errors.

Thanks for stopping by! You may now continue to read the story. Enjoy!
----------------------------------------------------

Celine.

"Your Honor, the defendants planned to murder Celine Andrada by contacting a hired killer. Last December 10, 2015, a plane crash happened. The evidences will show that the plane crash was purposely intended to exterminate someone and that someone is no other than Celine Andrada. The hired killer admitted that the defendants commanded him to kill Ms. Andrada. This testimony will prove to you that the defendants are guilty as charged," sabi ni Attorney Navara.

Ito na ang pangalawang araw ng hearing. Nung nakaraang hearing kasi, hindi pumunta sina Arriana pati na rin ang abogado niya.

"Your Honor, under the law, my clients are presumed innocent until proven guilty. There is no concrete evidence that the hired killer is telling the truth. Isa pa, ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng technical issue ang eroplano bago ang pagsabog kaya hindi maaaring ibintang iyon sa mga nasasakdal," sabi ng abogado ni Rhian. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari bago sumabog yung eroplano.

*Flashback*

Nagising nalang ako ng biglang magsalita yung pilot.

"This is the pilot speaking. . . we've come a bit closer to our destination but we're experiencing some. . . technical issue."

An unusual sound emits from the fuselage of the plane. The overhead PA system is still on however,

"What the heck was that sound?" sabi ng piloto.

Bigla nalang nagpanic yung mga tao sa loob ng eroplano.

" Nate, anong nangyayari?"

**WHOOP**WHOOP**

**WARNING! WARNING!**

At bigla nalang kaming nakarinig ng malakas na pagsabog and just like that sumabog nalang bigla yung plane na sinasakyan namin.

*End of the flashback*

"Your Honor, why don't we interrogate the hired killer to know further information?" Suhestiyon ni Attorney Navara na siya namang sinang-ayunan ng Judge.

Bakas ang gulat sa lahat. Lalo na sa kampo nila Rhian. Maging ako ay nagulat. Hindi ko kasi inaasahang nahuli pala yung taong binayaran nila Rhian. Ayon kasi sa imbestigasyon, ang lalaking 'to ang naglagay ng bomba sa eroplanong sinasakyan namin ni Nathan. Paniguradong dadami ang kasong kakaharapin ng hired killer pati na rin nila Trixie kapag lumabas na sa media yung dahilan ng plane crash dahil maraming tao ang nadamay dito.

Matapos ang ginawang pangangako sa batas ng hired killer ay sinimulan na siyang tanungin ng daddy ni Roco.

"Sinasabi mong ikaw ang naglagay ng bomba sa loob ng eroplano, hindi ba?" Tanong ni Attorney Navara.

"Opo," sabi naman nung lalaki.

"Ngunit ayon sa imbestigasyon, nagkaroon muna ng technical issue ang eroplano bago maganap ang pagsabog. Maaari bang kagagawan mo rin iyon?"

"Objection, your Honor, the question is leading," pag-tutol ng abogado ni Arriana.

"Objection overruled," sagot naman ng Judge. Inulit ni Attorney Navara yung tanong ngunit umabot ng ilang minuto bago sumagot yung lalaki. Tumingin siya kila Trixie at nagsalita.

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon