This chapter is dedicated to MeynardMiral thank you for your support! And of course, thank you all for patiently waiting for my update!
---------------------------------------
Celine.Habang inaayos ko yung mga gamit dito sa cashier natatanaw ko si Nathan na may kausap na babae sa table niya.
"Celine, isang strawberry milkshake sa table nila Sir Nathan," sabi ni Kuya Bron.
Kaagad kong ginawa yung milkshake at dinala sa table nila. Pagkatapat ko sa table nila, naabutan kong nakahawak si Nathan sa kamay ng babae. Wow ha. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa mga kamay nila kaya tinanggal ko yung tingin ko doon at ibinababa na yung milkshake na inorder ng kasama ni Nathan.
Mag-iisang linggo na mula nang dumating dito si Nathan at araw-araw siyang nakatambay dito sa restaurant. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang siyang nandito at kung bakit lagi nalang siyang nagdadala ng iba't-ibang babae rito.
"Ito na yung order niyo," malamig kong sabi sa kanila. Ang dami-dami namang lugar bakit ba kasi dito pa sila tumatambay. Di ba nila alam na madami silang nadidistract na tao rito? Nakakaasar ha.
Pabalik na ako ng counter nang pumasok si Anthony sa restaurant, medyo matagal din siyang di nagawi rito. Is it because of Fianca? Hays.
Nang makabalik ako sa cashier, napatingin ako sa table nila Nathan at nahuli kong nakatingin din siya sa akin na may halong pang-aasar. Ano na naman kayang gusto nitong lalaking 'to?
"Celine, coffee daw si Sir Anthony," sabi ni Kuya Bron.
"Kuya sa may cashier po ako naka-assign ngayong week 'di ba? Si James po yung naka-assign sa mga coffee." sabi ko kay Kuya Bron sabay turo kay James na nakaupo sa gilid ng counter.
"Sinabi ko nga yan kay Sir eh. Ewan ko ba kung bakit gustong ikaw ang magtimpla ng kape niya," pagpapaliwanag ni Kuya Bron. Sinunod ko nalang ang utos niya at pinagtimpla ng kape si Hades. Pagkatapos matimpla ay inihatid ko na ito sa office niya.
Kumatok muna ako bago pumasok.
"Kinausap ka pala ni Fianca?" Nagulat ako sa itinanong niya sa akin. Ano naman ngayon kung kinausap ako ng fiancèe niya?
"Ah oo," tipid kong sagot sa kanya.
"Bakit hindi mo sakin sinabi?" Tanong niya
"Ha? Kailangan ko pa bang sabihin sayo 'yun at saka wala namang katuturan yung mga sinabi niya eh," sabi ko sa kanya.
"Oh, so walang katuturan yung pag-aakala niyang may gusto ka sa akin," I was taken a back sa sinabi niya. Paano niya nalaman 'yon?
"Wa-wala naman talaga akong gusto sayo. Y-you're just my boss yun lang 'yon." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Bigla nalang siyang natahimik at hindi na nagsalita kaya lumabas na ako mula sa office niya.
Nang makarating ako sa cashier ay sumalubong sa akin ang mahigpit na yakap nila Diane. Pano sila nakarating dito?
"Celine..." maiyak-iyak na tawag ni Britany sa akin.
"Sorry" sabi naman ni Kyle.
"Siguro nasabi na sayo ni Nathan yung dahilan namin... sorry talaga," sabi ni Diane at tuluyan nang umiyak.
"And thank God nakakaalala ka na" sabi ni Britany nang hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sa akin.
I'm lost for words sa mga pangyayari.
Mula sa malayo, natanaw ko si Nathan na nakatingin sa amin habang yung kasama niya namang babae ay salita ng salita sa tabi niya.
"I think we should have an outing!" Suggestion ni Diane matapos niyang makarecover sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Teen FictionLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...