A/N: Please be informed that Celine's surname is now 'Andrada'. I changed it for some reasons. Again, It is now Mitchelle Celine Andrada.
---------------------------------------Elle.
Pagkakain namin ng dinner, bumalik kaagad kami sa living room nila Matt para ipagpatuloy ang panonood namin ng movies. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung mga horror movies na pinanood namin at sana hindi ko naman mapanaginipan.
Habang nanonood kami ng movie, biglang nagvibrate yung phone ko.
Ken:
Tumawag ako sa bahay kanina, wala ka pa raw. Where are you, Elle?
Shocks! Anong sasabihin ko kay Ken? Think fast, Elle!
Ako:
I'm with Diane. Nakakainip kasi sa bahay sila manang lang kasama ko kaya nagsleepover muna ako kina Diane. Don't worry I'm safe here.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya na nakina Matt kami dahil ayaw niya akong palapitin sakanila. I think they're harmless naman kaso hindi ko alam kung paano ko ipapaunawa kay Ken 'yon.
Ken:
Are you sure na sila Diane lang ang kasama mo, Elle?
Ako:
Yup. I'm sure. Kami lang nina Diane, Kyle at Britany.
Mabuti nalang at hindi na nang-usisa pa si Ken dahil hindi ko na alam ang gagawin kong palusot kapag nagtanong pa siya ng nagtanong.
"Elle, you look so tired. Hatid na kita sa room na tutulugan natin." Sabi ni Britany.
"Ahh w-wag na."
"Tss. Natatakot lang yan matulog mag-isa sa guestroom ngayon pa't nakapanood yan ng horror movie." pagsingit ni Nathan.
"Sinong may sabi sayong natatakot ako?" Paghahamon ko naman sa kanya.
"No one."
"Wala naman pala eh."
"So sinasabi mong kaya mo?" Tanong pa niya.
"Wala akong sinabi" sagot ko sakanya. Shut up, Nathan pag di ka pa tumigil masasapak talaga kita!
"Sige Elle, matulog ka muna diyan sa sofa. We'll wake you up nalang 'pag matutulog na rin kami." Sabi ni Diane. Salamat nalang talaga at nandito si Diane. Sinamantala ko na rin ang katahimikan nila para umidlip.
Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog.
▪▪▪
Nagising ako sa malakas na tunog ng piano. May piano ba kina Matt? Mukhang wala naman yata akong nakita kanina.
Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto para makita kung sino ba yung tumutugtog ng piano sa dis oras ng hating gabi. Wait, hindi ba sa sala ako nakatulog kanina bakit ako napunta sa guestroom nila Matt? Saka nasaan yung mga tao rito? Weird.
"Diane?" Pagtawag ko dito at biglang nawala ang tugtog na nanggagaling sa piano.
Habang lumalabas ako sa kwarto, unti-unti kong nararamdaman ang lamig sa labas. Fudge! Kinikilabutan na ako.
"Tama na nga Nathan natatakot na ako." I said in a shaky voice.
Napalingon ako sa likod ko nang may narinig akong yapak na papalapit sa akin.
"Hindi na nakakatuwa" sabi ko pa.
Nakita ko namang gumagalaw yung rocking chair na nasa sala kaya binilisan ko yung lakad ko pababa ng hagdan sa pag-aakalang may tao roon.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Teen FictionLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...