Celine.
"Ate gising na nandito na tayo sa mall!" Mark
Hindi ko namalayan na nakatukog na pala ako... siguro sa sobrang pag-iisip ko sa sinabi ni lola. Wait, baka may morning glory pa ako o kaya tulo laway ko nung natutulog ako!!! Pero teka bat ko ba iniisip yun? kailan pa ako nagkaroon ng concern sa sarili ko??? Hindi ako ito!
"Ate inaantok ka pa din ba?" Mark. Nagising ako sa pag mumuni-muni ko nung kinalabit ako ni Mark.
" Ahh. Hindi napagod lang siguro ako... pero teka anong ginagawa natin dito sa SALON?" sabi ko na may kahalong sigaw.
" Eh kasi ate... lagi ka nalang nakabuhaghag kaya naisipan namin na ipamake over ka!" Mark
"HA? ANO? MAKE OVER? ANONG NAMIN?" sabi ko ay hindi sigaw ko pala.
" Ate sige na pumayag ka na its for your own sake naman eh please!" Mark
"Sige pero ipangako mo sakin na di ka na masususpend!" Ako
" OKAY! YES!!!" sabi ni Mark.
" Ma'am ano po ung papagawa niyo sa hair niyo?" sabi nung mag-aayos sa akin.
" Paki straight ung buhok niya and paki bawasan ung kilay" Sabi ni Ralph
"Okay, Sir!" sabi nung bakla. hihihi akala ko straight din pagkalalaki niya eh.
" Celine, balikan ka nalang namin, bibili lang kami ng damit mo ha." Sabi ni Matt
"Ha? bat kayo ang bibili?" ako
Sa halip sagutin nila ang tanong ko... umalis na sila at iniwan ako.
"Ma'am lika na po dito" sabi nung bakla.
Habang inaayos niya ung buhok ko..." Ma'am ang swerte mo naman po ang popogi ng mga fafa na kasama mo ipakilala mo nami akish sa kanila!" sabi ng bakla. Ngumiti nalang ako sa kanya.
" Biro lang ma'am wala akong time sa mga boylets na yan kailangan ko kasing magwork ng magwork kasi jojombagin ako ni fadir pag wala akong binigay na pera sa kanya saka wala na din namang maghahanap buhay sa pamilya namin kung di ako lang" dagdag pa niya.
"Alam mo bilib ako sa mga katulad mo... kasi alam ko mabait ka at nagtatrabaho ka sa para sa pamilya mo. Saludo talaga ako sa mga katulad niyo alam ko maraming ayaw, nanghuhusga at kung anu-ano ang sinasabi sa inyo pero sa kabila ng mga yon, eto ka nagtratrabaho para sa pamilya mo " sabi ko sa kanya.
"Ngayon lang po ako nakakita ng costumer na katulad mo yung iba po kasi sinusungitan ako palagi waley naman akong ginagawang masama sakanila nasan naman po ang hustisya sa mga LGBT di va?" Sabi niya.
" Alam mo kasi ako din katulad niyo na palaging hinuhusgahan at nilalait but I'm not LGBT ha? Panget, nerd at weird daw kasi ako..." sabi ko sakanya.
" Hay nako ate, wag mong pansinin sila dahil hindi totoo yun... ang ganda mo kaya hindi lang sa kalooban pati na rin sa panlabas na anyo lalo na ngayon at pinapaganda kita!" sabi niya. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
Maya-maya pa dumating na yung apat na magkakaibigan...
" Ate! eto ung mga pinamili namin na damit para sayo, alam mo ba napagkamalan pa kaming bading dahil sa mga pinamili namin." Mark
" Sino ba naman kasi may sabing kayo bumili nito? pero salamat na din!" Ako
Kanina pa ako may napapansin... parang ang tahimik ni Nathan.
" Bro, usong mag salita" sabi ni Matt sabay harap kay Nathan. Hindi lang pala ako ung nakapansin sakanya.
" Sige ate mukhang matatagalan ka pa diyan eh... dun muna kami sa arcade laro lang kami, pero pag katapos mo diyan suot mo na ung mga damit na pinamili namin para sayo." Mark
" Okay po KUYA, may magagawa pa nga po ba ako?" ako
" Yikes. Ate don't call me kuya nga you're older than me!" sabi ni Mark
"Whatever" sabi ko sabay roll ng eyes.
Mahigit one hour na din akong nandito... maya-maya..." Ma'am okay na po! you're so pretty po!" sabi nung bakla.
Ngumiti nalang ako sakanya at tinanong kung nasan ung restroom para makapag palit na ng damit di ko na rin tinignan ung itsura ko... wala naman akong pakialam eh.
Nung matapos ko nang isuot ung damit ko parang nahihiya akong lumabas pano ba naman kasi DRESS pala ung binili nila sa akin black na dress, above the knee tapos fitted at ang malala pa dun may heels ang binili nila sakin. Arghhh! How I hate those guys! pero di din nagtagal lumabas na din ako ng ladies room. Parang nakakahiya kasi nakatingin solilang lahat sa akin. Pupuntahan ko na sana sila Mark pero nakita ko na sila kaya tinawag ko siya... "Mark!" tapos ang baliw kong kapatid sinabi sakin " Hey sexy lady... won't you mind to hang out with us?" takte tong kapatid ko! di ba niya ako kilala?!
" Hoy! tigil- tigilan mo nga ako sa sexy lady, sexy lady mo diyan! Hello?! Ate mo kaya ako! kadiri ka! sobra!" sabi ko.
" Ha?! Wait, At---Ate?" Mark.
"Ako nga! Whats your problem?!" Ako
"At---Ate ang ganda mo!" sabi niya. Ung tatlo naman nakita ko literal na napanganga. Ano ba nangyayari sa mga 'to?
"Pero Ate may kulang lika" sabi ni Mark... sabay hila sakin. Maya-maya pa nakarating kami sa optical clinic dito sa mall... tapos binili niya ako ng CONTACT LENS?! di ba masakit yun?!
" Miss wear this." sabi ng doctor. Hindi ko ma-hindian ung doctor kasi doctor siya. Hay! ang gulo ko! sinuot ko nalang ung contact lens pero di naman pala siya ganon kasakit kaya keri ko.
" Wow! Celine you're so beautiful and gorgeous can I court you? Hahaha just kidding. " sabi niya sakin
"Tssskkk. Tabi ka nga diyan! Bro, picturan mo nga kami!" sabi ni Ralph kay Mark
"Wow Bro! utusan mo ba ko?" Mark
" Bro, naman pleaseeeee?" sabi ni Ralph
" Tsk. sige na nga!" sabi ni Mark " 1,2,3 say cheese!" sabi ni Mark.
" Bro, isa pa! Ah Celine pwede paakbay?" Ralph. Tumango nalang ako.
Nang matapos na kami magpa-picture naka-akbay pa rin si Ralph sa akin, aalisin ko na sana yun ng may biglang humila ng buhok ko.
" Ang kapal din ng mukha mo noh?! boyfriend ko yang naka-akbay sayo ang flirt mo!" sabi ng babae sabay sampal sakin. What the heck is happening here?!
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Ficção AdolescenteLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...