ELLE'S POV
"Elle, pagkatapos mo diyan paki hugasan itong mga pinggan." Sabi ni Lola Pining.
" Opo, Lola."
Sila Lola Pining ang nagpapatira sakin mula nang... matagpuan nila ako sa dalampasigan. Nung nakaraang buwan daw kasi habang nangingisda sila Lola Pining kasama si lolo nakita nila akong walang malay sa tabing dagat, kaya iniuwi nila muna ako sa bahay nila. Nung magising ako, wala akong maalala maski sariling pangalan ko ay nakalimutan ko na pati na rin ang mga magulang ko hindi ko kilala. Elle ang ipinangalan nila Lola sakin. Yun daw kasi yung pangalan ng apo nila kaya lang namatay ito noong isang taon. Sila lolo at lola lang kasi ang nakatira sa maliit nilang bahay dito sa probinsya kaya tinutulungan ko sila sa mga gawaing bahay.
***
Mark.Halos isang buwan na nang bumagsak yung sinasakyang eroplano nila Nathan at unti-unti nang nakakarecover si Nate pero si Ate... hindi pa rin nakikita. Sabi ng mga rescuers, malabo nang makita pa si Ate at baka daw wala na siya.
Pero hindi pa rin sumusuko sila Daddy sa pagpapahanap sa kanya kahit na kakaunting pag-asa na lang ang natitira na makikita pa namin siyang buhay.
Nalaman na rin namin yung dahilan kung bakit bumagsak yung eroplano. May naglagay daw ng bomba doon at hanggang ngayon pinaghahanap pa kung sino ang gumawa nun.
"Mom, san ka pupunta?"
"Sa kaibigan ng Dad mo makikibalita ako kung may nahanap na sila. Sige mauna na ako."
Mula nang nawala si ate laging ganyan si Mom halos di na nga kumakain kung saan-saan nagpupunta para maghanap at makibalita. Ang dami nang nagbago mula nang nawala si ate sila Ralph halos araw-araw na dito sa bahay ganun din sina Nathan at Matt kahit na di pa gaanong magaling si Nate. Maski mga maid laging nanonood ng balita baka daw kasi biglang makita na si ate tapos yung mga classmates and schoolmates namin pati teachers laging kinakamusta kung ano na daw ba ang balita kay ate. Hays, Ate ang dami nang nakakamiss sayo! Kailan ka ba kasi mahahanap?
Bigla namang nagring yung phone ko.
Dad's calling...
"Hello, Dad?"
"Mark, pumunta ka ngayon sa office ni Tito Kevin mo he has something to tell daw. Tatawagan ko na yung mom mo kung gusto mong isama sina Ralph go ahead basta pumunta na kayo dun ASAP."
"Okay, dad"
Ano naman kaya yung sasabihin ni Tito Kevin? Baka may balita na kasi siya yung in charge sa paghahanap kay ate.
Dali-dali naman akong pumunta sa sasakyan ko at sakto namang kakadating lang ng tatlo.
"Oh, san ka pupunta?" tanong ni Matt.
"Kay Tito Kevin, sumama na kayo baka may balita na siya tungkol kay ate."
"Sige" sabi ni Ralph.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na kami sa office ni Tito at nakita ko na rin yung sasakyan ni Dad pati na rin yung sasakyan na ginamit ni Mom.
"May balita na daw po ba?" tanong ko kay Dad.
"I don't know. Sana." tipid na sagot ni Dad mula nang nawala si ate napakatahimik na niya sabagay sino nga bang magulang ang di maaapektuhan pag nawawala ang anak ang masakit pa, hindi kami sigurado kung buhay pa ba yung hinahanap namin.
"Pasok na po tayo" pag-aaya ko sakanila. Tuluyan na nga kaming pumasok sa office ni Tito Kev.
"Pasensya na sa abala, Pare. I really need to tell you this." pambungad kaagad samin ni Tito.
"Okay lang just go straight to the point, Kevin." sabi ni Dad
"It's been a month mula nang mawala si Celine. Napakakonti nalang ng chance para makita pa natin siya. At kani-kanina lang huminto na yung mga rescuers sa paghahanap. Wala na akong magagawa hanggang doon nalang talaga and I think we should accept the fact na baka wala na nga si Celine." sabi ni Tito Kevin na ikinagalit naming lahat.
" How could you say that?! May magagawa pa tayo. Wag mo silang patigilin sa paghahanap. Buhay pa si Celine!" galit na sigaw ni Mom.
"Kahit one week pa ng paghahanap, pag wala pa talaga... huminto na tayo." sabi ni Dad.
" Sorry, we can't" sabi ni Tito Kevin.
" Fine. Kung ayaw niyo I'll find my daughter without seeking for your help." sabi ni Dad sabay labas ng office ni Tito Kev.
Sumunod naman kami kay Dad sa labas.
"We need to find your sister" sabi ni Dad.
"How?"
"Puntahan natin lahat ng lugar na posibleng pagbagsakan niya."
"Tito, according sa news may ilang part ng airplane ang nahulog malapit sa Apalit then, Nathan has been rescued near that place right? Baka may posibility na nandun lang si Celine." pagsuggest ni Ralph.
"Sige tomorrow morning pupunta tayo doon," sabi ni Dad.
Pagkatapos ng pagkausap ni Tito sa amin dumiretso kami ng barkada sa school.
Pero nagpintig yung tenga ko nang marinig ko yung nakakairitang boses ni Trixie.
"Balita ko wala na daw chance makita si Celine" sabi niya habang nasa tabi niya sila Arianna at Rhian. Yup, lagi silang magkakasama buhat ng wait... buhat ng nawala si ate magkakasama na sila. Di naman siguro coincidence yun di ba?
"Buti nga sakanya sana nga wala na siyang buhay eh," sabi naman ni Arriana
" Yung mga katulad niya di na dapat talaga nabubuhay good thing naisip ni Trixie yung plan niya. Hahahaha!" sabi ni Rhian.
Pupuntahan ko na sana yung mga babaeng 'yon nang marinig ko sina Diane.
"How dare you say that?" sabay sampal niya kay Arriana.
Sumunod naman sina Kyle at Britanny sa kanya.
Wait tama ba yung pagkakarinig ko? Plano ni Trixie? Bakit nga ba di namin naisip kaagad na paimbestigahan yung tatlong to? Posible kayang may kinalaman sila?
Oras talaga na malaman kong sila ang may kakagawan nito mananagot sila.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Teen FictionLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...