Chapter 50: Great Fall

155 5 1
                                    



Celine.

"Wake up, Celine!" Sigaw ni Kyle habang hinihila 'yung paa ko. "Ayan, late na kasing natulog kagabi tapos kung kailan umaga na, saka naman ang himbing ng tulog. Gising na!" Litanya niya. I woke up feeling ecstatic maybe what happened last night gave me an assurance that Nathan likes me too.

"Good morning!" Masiglang bati ko sa kanya.

"Aba, mukhang maganda yata ang gising mo ah?" Nagdududang saad ni Kyle. "So, what happened last night?" pang-uusisa niya. Masaya ko namang ikinuwento sa kanya 'yung pag-uusap namin ni Nathan kagabi.

"Hays, it took you so long to realize that Nathan loves you. Celine, hindi ko alam kung tanga ka o sobrang manhid mo lang. We all know that he's in love with you but you seem to be too dense to know that," pagpapaliwanag niya.

"How would I know? Ang hirap niyang intindihin. One day he'll say, he loves me pero iba naman 'yung ipinakikita niyang actions sa susunod na araw. I can't read him. He's difficult to understand."

"Did you let him explain why he acted that way? Hindi, 'di ba?"

"Ah, basta. Ayoko munang madaliin ang mga bagay. If we are meant to be, then we'll be together in the end."

" 'Yan tayo eh. What if you're not meant to be for each other? Don't you want to give him a chance? I know he's a great man, Celine," sabi ni Kyle na nagpa-isip sa akin. Should I give him a chance? Should I take a risk? Pero takot akong masaktan.

Sinalubong kami ni Nathan pagkarating namin sa restaurant sa ibaba ng hotel. I saw Roco smiled at me so, I smiled back.

"What about our deal, Ms. Andrada?" Nathan whispered to my ears. My heart skipped a beat because of his action.

"Maski pagngiti, bawal?" Tanong ko nang nakakunot ang noo. I think it's not healthy na pagbawalan namin ang isa't isa sa pakikisalamuha sa iba. I realized na we can't forbid each other lalo na't hindi naman kami. At kung kami man, I'll break our agreement last night because it seems immature.

"Okay, fine. Talk to him," masungit na sabi niya.

"Kumain ka na ba?" Pang-iiba ko ng usapan.

"Not yet, I was waiting for you," sabi niya na nagpangiti sa akin.

"Where's Nicole, by the way?" I asked him curiously. Minsan, nakakatakot din 'pag wala siya sa paningin ko baka kasi mamaya may pinaplano na namang masama 'yun.

"I don't know," he said like he doesn't care about Nicole's whereabouts.

"Oh, there she is," sabi ko nang makita si Nicole na papalapit sa amin. Bahagya siyang natigilan nang makitang magkasama kami ni Nathan pero dumiretso pa rin siya papunta sa amin.

"Here, you forgot your jacket in my room last night," nakangiting sabi ni Nicole. Wait, nagpunta si Nathan sa room niya kahapon? Tumingin sa akin si Nicole na parang nang-aasar. Bigla namang sumama ang timpla ko dahil sa narinig.

Dahil mukhang may pag-uusapan pa sila, nauna na akong pumunta sa buffet. Ayoko namang magmukhang tangang nakikinig habang nag-uusap sila. Pagalit kong kinuha yung plato mula sa lalagyanan nito at kukuha na sana ng utensils nang may humablot sa braso ko. Ibinababa niya yung platong hawak ko at hinila ako sa tagong bahagi ng hotel kung saan walang katao-tao.

Pagalit akong tumingin kay Nathan.

"Is there a problem?" Namumungay ang kanyang mga mata habang nagtatanong.

"Wala. Ano bang ginagawa natin dito? We should eat already, malapit na ang call time,"  hindi nakatakas ang pagka-irita sa boses ko.

"I know there's a problem, Celine. Now, tell me," sabi ni Nathan na parang nauubos na ang pasensya.

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon