Elle.
These past few days, napapansin ko yung pagsusungit sa akin ni Nathan hindi ko naman alam kung may nagawa ba akong hindi maganda na ikinagalit niya. Sabi rin ni Ken sa akin na baka abutin pa siya ng ilang buwan sa ibang bansa dahil marami pa siyang tinatapos doon. Mabuti na rin siguro na hindi muna kami magkita dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Ano ba kasi yung ginawa mo kay Nate, Elle? Pati tuloy kami sinusungitan!" Pagmamaktol ni Matt.
"Hala, ewan ko ba sa kaibigan niyong 'yan wala naman akong ginagawa diyan eh."
"Kausapin mo nga." pagsingit naman ni Ralph.
"Huh? Ayoko nga baka mamaya sungitan na naman ako! No way!" Sabi ko sakanila.
Grabe naman kasi yung magkakaibigan na'to kung makapag-usap kasi parang wala si Nathan sa tabi namin.
"Sige na, Elle kausapin mo na." Sabi naman ni Diane na sinang-ayunan din nila Kyle. Hays, ano pa ba magagawa ko eh nagtulong-tulong na sila?
Tumayo kaagad ako sa kinauupuan ko at nilapatan si Nathan.
"Anong ginagawa mo rito?"
Hindi ako kumibo.
"Wala ka naman palang sasabihin eh bumalik ka na nga roon." Ang arte ha!
"Bakit ba ang sungit mo? May nagawa ba akong masama?"
"Ewan bakit hindi mo yan tanungin sa sarili mo? May nagawa ka bang masama?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin.
Hindi ko alam kung bakit natatawa ako imbis na magalit sa pagsusungit niya.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot sa halip, ay hinila ko siya palabas ng bahay nina Diane. Malapit lang kasi sa bahay nila yung park at doon ko balak dalhin yung lalaking 'to.
"San mo ko dadalhin?!" Pagalit na tanong niya.
"Pwede ba manahimik ka nalang?" Sabi ko sakanya. Akala niya yata siya lang may karapatang magsungit!
Nang makarating kami sa park, hindi ganon karami ang mga tao. Naupo ako sa isa sa mga bench doon.
"Tatayo ka na lang ba diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Babalik nalang ako kina Diane." Sabi niya sakin.
"Maupo ka nga!" Pasigaw kong sabi sa kanya.
"Maka-utos ka ah."
"Maupo ka nalang kasi." Ginawa niya naman yung sinabi ko.
"Ano gagawin natin dito? Magtititigan?"
"Wag ka ngang masungit diyan. Gusto mo ng ice cream?" Pag-aalok ko sakanya. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, naglakad na ako papunta sa bilihan ng ice cream.
"Manong, dalawa pong strawberry flavor." Pagkabili ko ng ice cream bumalik na ako sa bench na kinauupuan ni Nathan. At akalain mo nga naman may kausap siyang babae at parang ang bait-bait niya pa samantalang sa akin napakasungit niya.
"Ehem" pagbasag ko sa tawanan nilang dalawa.
"Oh, Nate who is she? Is she your maid?" Maarteng tanong ng babae at hinead to foot niya pa akong tinignan. Maka-maid siya ah. Mas mukha pa kaya siyang katulong kaysa sa akin! Maputi lang siya yun lang, ahm matangkad na rin!
"Excuse me?" At ang bwisit na Nathan sa halip na ipagtanggol ako, pinagtawanan pa ako!
"I'm not his maid."sabi ko pa.
"Then, who are you?" Tanong niya.
"Sorry I don't give my personal information to strangers." Sagot ko sakanya. Akala niya yata siya lang marunong magtaray!

BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Novela JuvenilLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...