Chapter 38: Hades

165 16 0
                                    

Elle.

"Mommy?" Gulat na tanong ni Rhian sa babaeng nakayakap sa akin ngayon. Napakalas naman sa pagkakayakap yung 'mommy' niya sa akin dahil siguro sa gulat.

"Sorry po, hindi ako si Celine." Sabi ko sabay alis. Hindi naman ako interesado sa kung ano pang sasabihin ni Rhian o nung mommy niya kaya umalis na ako.

I don't know where to go pero isa lang ang alam ko, ayaw ko nang makituloy kina Ken. I need to find a place na pagtutuluyan ko, sa lugar na malayo rito.

Kinuha ko muna lahat ng gamit ko sa bahay nila Ken at saka dumiretso sa bus terminal. I've decided na sa province muna ako. Hindi ganon kalaki ang dala kong pera kaya pagkahanap ko ng bahay kailangan ko namang maghanap ng trabaho.

"Oh, Hija saan ka pupunta? Napakarami mo naman yatang dalang gamit." Sabi ni manang nang makita niya akong palabas ng bahay.

"Ah...manang uuwi po muna ako kila Lola mga isang linggo rin po ako doon kaya medyo marami akong dala." Palusot ko sa kanya pero syempre hindi ako sa probinsya nila lola uuwi dahil alam kong doon ako unang hahanapin ni Ken. Isa pa hindi alam ni Ken na binilhan ko ng town house sila lola rito sa Maynila.

Tango lang ang isinagot sa akin ni manang mukhang naniwala naman siya.

Pagkalabas ko ng subdivision pumara kaagad ako ng taxi patungong terminal. Sa loob ng 81 na probinsya sa buong Pilipinas hindi ko alam kung saan at alin doon ang pupuntahan ko. Bigla namang pumasok sa isip ko ang isang taong alam kong matutulungan ako yun nga lang, hindi ako sigurado kung sa paanong paraan niya ako matutulungan.

Good thing I have his number...

***

After 4 hours, sa wakas nakarating na ako sa destinasyon ko at salamat din sa tao na tumulong sa akin dahil hinayaan niya akong gamitin yung townhouse nila rito pero babayaran ko rin siya. Nakakahiya naman kasi dahil tinulungan niya na nga ako tapos di pa ako magbabayad. Ngayon, kailangan ko munang pumunta sa townhouse na iyon at maghanap ng mapapagtrabahuhan.

20 minutes ang layo ng pagtutuluyan ko mula sa bayan at napakatahimik ng lugar, ibang-iba sa Maynila. Napapaligiran ito ng palayan at mga bundok na siyang tanda na malayo ako sa siyudad.

Nagbihis muna ako sa mas kumportableng damit bago umalis ulit at maghanap ng trabaho. Una kong pinagtanungan ang isang hardware baka kasi nangangailangan sila ng kahera or tiga-assist sa mga bumibili.

"Pasensya na hija, medyo madalang lang kasi ang bumibili rito. Magtanong ka nalang sa iba." Sabi nung may-ari.

Sunod ko namang pinagtanungan ang isang bakery in case na kailangan nila ng tiga-bake. Marunong naman akong magbake dahil tumutulong ako kay manang kapag may ipinababake si Ken. Tulad ng una kong pinagtanungan, hindi rin daw nila kailangan. Wala sa sarili akong lumabas mula sa bakery. Mukhang napaka-imposible yatang makahanap ako ng trabaho sa lugar na 'to.

*Beep* *Beep* *Beep*

Nabalik lang ako sa tamang pag-iisip ng may bumusinang sasakyan sa akin. Muntik na pala akong masagasagan nang hindi ko namamalayan.
Nakita kong bumaba ang may-ari ng sasakyan at shocks is this a greek god? Ano ba, Elle umayos ka nga!

"Ano ba Miss magpapakamatay ka ba?" Sabi nung lalaki.

"Ah, a-ano kasi..."

"Next time kung magpapakamatay ka, 'wag ka nang mandamay." Aba, ugaling Hades naman pala 'to.

"Excuse me lang hindi ako magpapakamatay at mas lalong hindi ako nangdadamay!"

"Hindi mo ba naisip na kapag nasagasaan kita, kawawa 'tong sasakyan ko? Kabibili ko lang nito!" At hindi talaga papa-awat itong lalaking 'to ah?

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon