Celine.
After 15 minutes sa wakas nasa bahay na rin kami. Nathan's place is not that far from our house kaya it only took us 15 minutes pero bakit may sasakyan sa labas ng bahay namin? do we have visitor? at bakit familiar ung sasakyan sakin?
Di pa man ako nakakababa sa sasakyan ni Nathan nasagot na lahat ng tanong ko.
" Anong ginagawa ni Ralph sa inyo?"
Sabi na nga ba eh that car looks familiar. Ano nga ba ginagawa ng sasakyan ni Ralph sa bahay?
" Baka naman binibisita si Mark."
"Si Mark ba talaga o ikaw?"
" Ha? ako? bakit naman ako bibisitahin ni Ralph?"
"Ewan." sabay shrug niya.
"Sige na nga baba na ko ha? bye!"
" Hindi mo ba ako papapasukin man lang sa inyo?"
" Ay sorry nakalimutan ko. Sige pasok ka"
" Tsk" sabay labas niya sa sasakyan niya.
" Oh, nandito na pala sila ate eh."
" Hi, Celine!" bungad na bati sakin ni Ralph
" Ah... Hi" tipid na sagot ko. Di ko pa rin talaga makalimutan ung ginawa ni Ralph na pagsisinungaling sakin.
" Ate nandito si Ralph kasi he wants to tell you something" sabi ni Mark.
" Ahm... Celine di ko alam kung pano sasabihin 'to sayo pero... sorry because I lied to you... sorry talaga" sabi ni Ralph.
" Ano ka ba Ralph, okay lang sakin basta wag mo nalang uulitin ha?" sabi ko sakanya
" Promise! yaan mo babawi ako sayo sorry talaga ha?" I smiled at him nalang as an answer.
" Bat nga pala kayo magkasama ni Nathan?" tanong ni Ralph. Ay nakalimutan ko tuloy si Nate.
" Pano kasi ung babaeng ' to maghapon nangulit sa bahay tuloy nagkalagnat pa ko." sabi ni Nathan. Ha? ako pa talaga naging dahilan ng pagkakasakit niya! Ganyanan pala ha?! siniko ko nga sa tagiliran!
" Pano ba naman kasi ayaw pa akong patawarin ng isang to" sabay sapok kay Nathan. Hahahaha! 2 points for Celine!
***
*Beep*Beep*Beep*
Ano ba yan bakit may busina ng busina sa baba ang aga, aga pa eh!
" Ate wake-up na may pasok pa tayo!" sigaw ni Mark
" Ang aga-aga pa kaya!" sabay tingin ko sa orasan " Oh My Gosh! bat ngayon mo lang ako ginising?! 7:30 na eight o'clock pasok! Wahhhhh!"
*Beep*Beep*
" Sino ba ung busina ng busina na yun? Nakakairita ha!" tanong ko kay Mark
" Ah si Nathan yun kanina ka pa nga niya hinihintay eh. Teka ate, bakit ka nga pala sinusundo nung unggoy na yun ha?! Ate wag mo sabihing mas matanda ka sakin ha! at uupakan ko yang lalaking yan, sabihin mo nanliligaw ba yan s---"
" Hep! Hep! Hep! stop that tanghali na para sa ranting session at isa pa Nathan is not my suitor, okay? kaya lumabas ka na kuya at maliligo na ko"
Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako kaagad pano ba naman kasi kanina pa talaga busina ng busina si Nate kulang nalang masira na ung busina ng sasakyan niya. Haisssttt!
*Beep*Beep*
" Ayan na nga pababa na!"
"Bakit ang tagal mong bumaba?! Kanina pa ako nandito!" yan kagad ang sinalubong ni Nathan sakin.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Fiksi RemajaLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...