Celine.
"Ano pa ba kasi yung ginagawa mo rito?" Tanong ka kay Nathan. Kanina pa kasi siya nandito.
"Wala. Masama bang pumunta rito?" Tanong niya pabalik sa akin.
"Oo dahil nakakaabala ka na sa amin." Sabi ko sa kanya.
"Sa inyo? O baka sa iyo?"
"Pwede bang tumi---" Hindi ko naituloy yung sinasabi ko dahil may pumasok sa restaurant and it's Anthony... wait, he's with someone.
Hindi ko alam pero parang bumigat yung paghinga ko nang makitang may kasamang babae si Anthony. She's beautiful, fair, tall and sophisticated lady malayong malayo sa akin. I can't help but to feel jealous. Hindi malabong girlfriend ni Anthony yung kasama niya. The way he holds her hand, I know there is something going on between them. Nakita kong tumingin sa akin si Anthony kaya iniwas ko kaagad yung tingin ko sa kanya. Sakto namang pagtingin ko sa ibang direksiyon, nakita kong nakatingin si Nathan sa akin kaya ipinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko.
"You're jealous." Sabi ni Nathan na parang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.
"No, I'm not." Sabi ko naman.
"Yes, you are." Ang kulit talaga ng lalaking 'to.
"Ako? Magseselos? Bakit naman?"
"Dahil gusto mo siya." Sabi pa niya.
"Ano ba yung pinagsasasabi mo diyan?"
"Kung hindi mo siya gusto bakit palagi kang nagpapatulong kay Mark na mahanap siya noon? Para saan yung 'Mark you need to find this person as soon as possible' pati yung 'Use your connection to find him!'" Pang-aasar ni Nathan sa akin. Bakit alam niya yung mga bagay na 'yon? Well, given the fact that he is Mark's best friend.
"Pwede ba Nathan wala akong panahon para diyan. At ano yung pinagsasasabi mong gusto ko si Anthony? He's just my boss. I don't even remember events in my life. Ginamit ko lang yung pangalang Celine para hindi ako mahanap ni Ken pati na rin ng ibang tao pero parang hindi naman epektibo." Sabi ko sa kanya sabay punta sa restroom. Sa ngayon, ayaw kong malaman muna ni Nathan na nakakaalala na ako. Not because I'm selfish, but because that is the right thing I should do right now.
Pero mali yata na nagdesisyon akong pumunta sa restroom dahil nandoon yung babaeng kasama ni Anthony kanina at may kausap siya sa phone.
"Yes, Tita we're together. Oh, that waitress? Hindi maiinlove roon yung anak niyo. Yeah, we're having early dinner together." Sabi nung kasama ni Anthony kanina sa kausap niya and I think it is Anthony's mother. Teka, ako ba yung waitress na sinasabi niya?
Pumasok ako sa restroom at hindi ko sinasadyang mabunggo yung babaeng kasama ni Anthony.
"Shocks! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" Sigaw niya sa akin.
"So-sorry." Sabi ko sa kanya.
"Oh, the waitress. The ambitious, gold digger waitress akala mo ba na magugustuhan ka ni Anthony? Never in your wildest dream." Sabi niya sa akin na parang nang-aasar. Oo na. Tanggap ko namang di niya ako magugustuhan at mas lalong di na ako umaasa. Masama bang humanga sa isang tao? Ang masama pa ay ambitious at gold digger na kaagad ang tingin niya sa akin. Yes, I need money pero kahit minsan ay hindi ko gagamitin ang isang tao para lang sa pera.
Lumabas muna ako sa restaurant at umupo sa staircase sa labas. Nakakapagod din pala. Naaalala ko pa kung gaano ako kadeterminadong mahanap si Anthony kahit na hindi ko naman alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya. Nakakatawang isipin na sa isang pagkikita namin ay humanga na kaagad ako sa kanya. Pero lahat naman yata ng mga bagay ay may katapusan. Siguro yung nangyari at sinabi sa akin ng babaeng 'yon ay sapat nang dahilan para hintuan ko na yung paghanga ko kay Anthony.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Novela JuvenilLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...