Celine.
Mag-iisang linggo na ng huli kong makausap si Nathan at mula noong nagkasagutan kami ay hindi ko na ulit siya nakita.
Katatapos lang ng hearing kanina at so far, tama yung daddy ni Roco malaki yung chance na maipanalo namin yung kaso. Nagpaalam muna ako kina Daddy. I need to catch some fresh air. Ang bigat kasi ng atmosphere sa loob ng korte. Mabuti na lamang at pumayag siya. Nagpahatid ako sa bahay nila Kyle doon daw muna kami maglulunch bago tumungo sa mall.
Pagkatungtong ko pa lamang sa garden nila Kyle, dinig ko na ang ingay na nagmumula sa loob ng malaking bahay. Nang tuluyan na akong makapasok, nakita kong nakaupo sa sofa sila Diane kasama sina Nathan. Wait, akala ko ba kami lang apat? Bakit nandito yung mga boys?
"Oh, Celine bakit hindi mo kasama si Mark?" Tanong ni Britany pagkakita sa akin.
"Nasa bahay. Hindi ko alam na kailangang kasama pala siya? Akala ko kasi tayo-tayo lang," pagsagot ko sa tanong ni Britany.
"Ah, dumaan lang sila rito bago dumiretso sa bahay niyo. Magbabasketball yata sila nila Mark," pagpapaliwanag ni Kyle. Tinignan ko naman sila Ralph na ngayon lang napansin ang presensya ko dahil naglalaro sila ng card nila Matt kanina. Lumapit si Matt at Ralph sa akin para bumati at kamustahin ang hearing kanina. Bago pa man ako magsalita ay naunahan na ako ni Nathan.
"I think we should go now. Mukhang ayaw niya tayong nandito," cold na sabi ni Nathan.
Hindi ko pinansin yung pagpaparinig ni Nathan kahit na alam kong ako yung tinutukoy niya.
"Let's stay here for a while, Nate. Kadarating lang ni Celine, aalis kaagad tayo?" Sabi ni Ralph.
"The hearing went well. Like what Roco's dad said, malaki yung chance na maipanalo yung kaso," sagot ko sa kanila.
"Speaking of Roco, kasama ba siya kanina sa hearing?" Tanong ni Diane.
"Nope. Ang sabi ng daddy niya ay inaayos ni Roco yung pagtransfer niya sa panibagong university."
"Talagang kailangan mong alamin kung nasaan siya?" Sarkastikong tanong ni Nathan. Kanina pa 'to ah?
"Why don't you mind your own business?" Sagot ko sa kanya.
"Ehem, Nathan I think we should go. Mark's waiting for us," sabi ni Matt para na rin siguro maputol yung tensyong namumuo sa amin ni Nathan.
Pagkaalis nila ay napagdesisyunan naming sa mall nalang maglunch para diretso pamimili na. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang may nagmamasid sa amin kanina pa. Hindi kasi ako mapakali parang kanina pa may nakatingin sa amin pero baka nga guni-guni ko lang 'yon.
"Mauna na kayo pupunta lang ako sa washroom," sabi ko sa kanila.
"I'll go with you," sabi ni Diane.
"Hindi, ayos lang. Umorder na kayo ng lunch natin," sabi ko sa kanya at pumunta na sa pinakamalapit na restroom.
Paglabas ko ng cubicle ay nakabunggo ko yung babaeng papasok sana dito dahilan kung bakit nahulog ko yung bag na hawak ko.
"Sorry," sabi ko kahit hindi ako sigurado kung sino ang may kasalanan sa aming dalawa.
"Hindi ka kasi nag-iingat," sagot nito at pagkaangat ko ng tingin sa babae ay agad kong pinagsisihan ang pagso-sorry ko. Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya yung wrist ko.
"Ano ba Rhian? Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sa sobrang iritasyon. Paano niya nagagawang hawakan yung taong pinagtangkaan niyang patayin?
"Paano kung ayoko?" Sabi niya at mas lalong niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa wrist ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Teen FictionLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...