Elle.
Nagising ako dahil sa walang hintong pag-ring ng phone ko. I wonder who's calling me in the middle of the night.
"Hello?"
"Persy, pwede ka bang pumunta rito? I'm sick... I need medicines." Sabi sa akin ng tumawag na walang iba kung hindi si Hades. May magagawa pa ba ako? He's my boss and I should follow his order.
"Saan ako pupunta?" Tanong ko sa kanya.
Pagkabigay niya sa akin ng address ay nagbihis kaagad ako at tumulak na papunta sa kung saan man iyon. Mabuti nalang at may mga sasakyan pang dumaraan sa mga oras na ito.
Matapos ang halos 15 minutes ay nakarating na rin ako sa address na sinabi ni Hades at nandito na rin sa akin yung mga gamot na kailangan niya. Mas malapit pala yung bahay nila kaysa sa restaurant.
Malaki rin yung bahay nila katulad ng kila Ken kaso magkaibang-magkaiba ang design. Nagdoorbell muna ako pero walang lumalabas ng bahay kaya pumasok na ako...bukas naman kasi yung gate eh. Buti nalang at hindi napapasok ito ng mga masasamang loob.
Pagkapasok ko sa loob ay namangha na naman ako dahil puno ng libro ang mga dingding nito na siyang nagpaganda sa disenyo ng bahay. Mukhang mahilig sa mga libro 'tong si Hades ah.
"Sir" Tawag ko dito at walang sumagot.
"Hades nasan ka ba?" Tanong ko dito kahit na alam kong magagalit lang ito sa akin.
"Second floor. Left." Sagot sa akin ng boses na alam na alam kong mula kay Hades.
Dali-dali akong umakyat at natagpuan si Hades na balot na balot ng kanyang comforter. 'Yan kasi ang napapala niya sa pagsusungit.
"Kumain ka na po ba?" Tanong ko rito.
"Mukha ba akong kumain na?" Tanong naman niya sa akin. Pilosopo.
Bumaba muna ako sa kusina nila para magluto ng soup o noodles. Pagkaluto nito ay itinaas ko na ito sa kwarto niya.
"Kainin mo muna ito" sabi ko sakanya sabay baba nito sa coffee table niya. Sinunod naman niya yung sinabi ko kaya umupo muna ako sa couch sa loob ng kwarto niya. Maluwag yung room niya at napapalibutan ito ng books at kulay gray na wall.
"Sir, bakit ang daming libro ng bahay niyo?" Out of curiosity kong tanong sa kanya.
"My job requires me to read books." Sagot niya. Huh?
"Job? Anong job po?" Tanong ko sa kanya.
"I'm a journalist." Sabi niya sa akin. Weh?
"Journalist?!" Gulat kong tanong sa kanya. Napatayo ako at lumapit sa isang shelf na punong-puno ng sikat na pahayagan dito sa Pilipinas.
By: Anthony Kang
Nakalagay sa byline ng newspaper.Shocks! Totoo nga pero wait, Anthony Kang...Antho--- Fudge!
"S-sir nagjudge ka ba sa isang journalism competition sa United States three years ago?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin na parang nag-iisip at nalilito sa mga pinagtatatanong ko.
"Yup. Why?"
"Ah, w-wala po." Kaya naman pala pamilyar yung mukha niya sa akin!
He's Anthony Kang! A bachelor, a journalist and also my... ultimate crush!
Mula nang makaalala ako, kung ano-ano na yung pumapasok sa isip ko at the same time nakakatuwa kasi kahit pala maraming di magagandang pangyayari sa akin noon, mas marami pa ring magagandang nangyari sa buhay ko katulad nalang ngayon, yung taong gustong-gusto ko noon ay halos abot-kamay ko na ngayon. I can still remember that day...the day when I first saw him.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Teen FictionLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...