Chapter 32: Who are they?

244 20 4
                                    

Elle.

Sabay na kaming pumasok ng university ni Ken at syempre yung pink na bag muna yung ginamit ko pare-parehas naman kasing galing sakanya kaya wala naman sigurong masama kung ito muna yung gamitin ko.

After 30 minutes huminto yung sinasakyan namin sa tapat ng isang university. It looks familiar.

Kaagad naman akong pinagbuksan ni Ken ng pintuan.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng sasakyan pero naririnig ko na yung mga tilian ng mga babae sa tapat ng entrance ng university. Sino naman kaya yung tinitilian nila?

"Wahhh andiyan na sila!" Sigaw ng isang babae habang padating yung apat na sasakyan.

"Oh my gosh si Matt!" Sabi nung babae na may maikling buhok nang bumaba sa black na sasakyan yung isang lalaki.

"Emahgerd Mark!!!!" Sigaw ng isang babae habang kinikilig pa.

"My gosh! Ralph!!!" Sigaw naman nung isa.

"Oh my! Nathan!!!"

Pagkababa ng apat na lalaki mula sa mga sasakyan nila, pumasok kaagad kami ni Ken.

"Ate?" Tanong sa akin ng isa sa mga lalaking tinitilian kanina. Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako. "Ate akala ko wala ka na. Bakit ngayon ka lang nagpakita samin? Alam mo bang marami kaming nag-aalala para sayo?" Sunod-sunod niyang sabi sakin.

"C-celine?" Sabay-sabay na tanong ng tatlong babaeng kakarating palang.

"Ahm, sorry pero hindi Celine ang pangalan ko." Sabi ko sakanila.

"Huh? Nang-gogoodtime ka lang yata eh. It's me Diane. Hindi mo ba ako naaalala?" Sabi nung isa sa mga babaeng kararating palang.

Naririnig ko pa yung mga bulong-bulungan ng ibang estudyante. Nasa amin na kasi ang lahat ng atensyon.

" Siya si Celine diba?"

"Hindi yata mas maganda siya kaysa kay Celine."

"Alam ko wala na si Celine. Pero bakit nandito siya?"

Sino ba si Celine bakit lagi nalang nila akong napagkakamalang siya? Wait, para yatang sumasakit yung ulo ko.

"H-hindi ko si Ce---" bago ko pa matapos yung sasabihin ko everything went black.

••• ••• •••
Ken.

Sabi na nga ba hindi magandang idea na dito kami mag-aral ni Elle sa dati niyang school eh. Nung nahimatay siya kanina dali-dali ko siyang dinala sa clinic tapos kaagad din namang nagsunuran yung apat na lalaki at yung tatlong babae.

"Who are you? Bakit kasama mo si Celine? Bakit hindi niya kami maalala?" If I'm not mistaken siya si Ralph, isa sa mga popular dito sa campus.

"Hindi niya talaga kayo kilala dahil hindi naman talaga Celine ang pangalan niya. She's Elle my girlfriend." Sabi ko sa kanila with emphasizing the word 'girlfriend'.

"Hindi ako naniniwalang siya si Elle. She's Celine, my sister at kaya kong patunayan 'yan sa inyo." Sabi ni Mark sabay labas ng clinic.

Kilala ko silang lahat dahil nakalagay lahat ng malalapit na tao kay Elle sa papers na ibinigay sa akin ng investigator.

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon