Nathan.
It's been 6 months nang mawala si Celine at unti-unti na rin kaming nawawalan ng pag-asa na makikita pa namin siya. Sa Spain daw muna mag-sstay yung parents niya siguro hanggang sa makarecover sila.
" Nathan sabay na kasi kayo samin mag lunch." pagpupumilit ni Trixie and believe it or not she's now my girlfriend. Lagi nalang daw kasing nagwawala at umiiyak si Trixie sa bahay nila and she's shouting my name until one day nag-attempt siyang magsuicide kaya nakiusap na sa akin yung parents niya na kung pwedeng magpanggap muna ako na may feelings ako sakanya hindi naman ako maka-hindi dahil business partner sila ni Dad and I think it will be easy for me to move on sa ganitong paraan. Saka mukhang nagbago naman na si Trixie.
" Fine." sagot ko sakanya.
***
Elle.
" Elle nahanap na ng mga investigators kung sino ung naglagay ng bomba sa eroplanong sinakyan mo" sabi ni Sir Ken. Mag-aapat na buwan na nga pala ako dito sa Maynila kinailangan ko kasing magtrabaho dito dahil di na kaya nila lola na magtrabaho. May mga edad na kasi sila ni lolo kaya namasukan muna ako sa company nila Sir Ken bilang secretary niya buti nalang 'di na nila ako hiningan ng kung anu-anong papeles nung nalaman nila yung nangyari sakin kasi wala talaga akong mailalabas na record buti nalang at mabait si sir kaya ayun natanggap ako. Nagpumilit pa nga siyang pa-imbestigahan yung nangyari eh baka daw may makuha kaming information kung sino talaga ako.
"Sir okay lang po wala naman na pong mangayayari kung malalaman pa natin kung sino ang naglagay ng bomba," sabi ko sa kanya.
" No kailangan magbayad ng mga tao na yun. Saka kundi dahil sakanila sana nakakaalala ka pa."
Mabait si Sir Ken katunayan nga nung nalaman niyang galing akong probinsya at wala pa akong matutuluyan sa bahay niya muna nila ako pinatuloy mag-isa lang daw kasi siya at puro katulong lang ang mga kasama niya kaya pwede daw muna akong mag-stay doon pangsamantala nung una di ako pumayag pero naisip kong wala pa talaga akong matutuluyan kaya pumayag na rin ako.
"Sino naman daw po sir yung naglagay?"
"Elle how many times do I need to tell you na kapag tayong dalawa lang you don't need to call me Sir."
"Sorry po, sir " sinamaan niya naman ako ng tingin "Ay Ken pala."
"Good, by the way ang sabi ng investigator mukhang napag-utusan daw yung lalaki at iniimbestigahan pa nila kung sino ang nagpakana non."
"Ah" yun nalang ang naisagot ko. Bakit ba kasi wala akong maalala?
"Naglunch ka na ba?"
"Hindi pa po"
" Good, lika sabay na tayo."
"Ha? Sir... I mean Ken dito na lang ako. Mauna ka na."
" No, sabay na tayo"
"Pero 20 minutes nalang tapos na yung lunch break"
" Baka nakakalimutan mo you're with the CEO kaya halika na" Hays wala na akong nagawa kaya sumama na rin ako.
'Haist, kasama na naman siya ni Sir Ken!' Dinig kong sabi ng isa sa ka-officemate ko.
'Malamang secretary siya ni Sir eh alangan namang iwan siya.' Sagot naman ng isa.
Sanay na akong pinag-uusapan nila. Sino naman kasi ang di magtataka na lagi kong kasama si Sir? Eh hanggang sa pag-uwi magkasama kami. Sa totoo lang may pagkamasungit 'tong boss ko pero kaya namang pagtiyagaan.
After 15 minutes nakarating na kami ni Ken sa isang restaurant.
***
Nathan.
Pagkarating namin sa restaurant na pinagdalhan sakin ni Trixie, napatingin siya sa dalawang taong paparating...
Is that Celine? Buhay siya?! Pero bakit may kasama siyang lalaki? Fudge!
***
Elle.
" Sir, washroom lang po ako" pagpapaalam ko kay Sir. Wait lang bakit kanina pa nakatingin sakin yung dalawang tao sa kabilang table? O baka napaparanoid lang ako.
Paglabas ko nang cubicle nakita ko yung babae sa kabilang table yung kanina pa nakatingin sa akin.
" Celine?!" sabi niya.
"Huh? sorry miss hindi Celine ang pangalan ko."
" Sinungaling! You're Celine! Bakit buhay ka pa? Dapat patay ka na ah?"
Bigla naman akong nagulat at the same time nainis sa sinabi niya.
"Excuse me miss, Elle ang pangalan ko and who are you to say na dapat patay na ako? Kita mo naman sana na buhay na buhay ako!" at bigla nalang niya akong sinabunutan.
"Tss, liar!"
Urgh. Di ako makaganti dahil ang taas ng heels na suot ko at ang dulas pa ng sahig!
Maya-maya lang na out of balance ako at tumama yung ulo ko sa wall and everything went black.
***
Ken.
" Sir, yung kasama niyo po." nagpapanic na sabi sakin ng waitress habang nakaturo sa washroom.
" What happened to Elle?!" Agad-agad akong tumakbo papuntang washroom and I saw Elle lying down on the floor with the girl na parang tarantang-taranta.
" What happened?!" Galit na tanong ko sa babae.
" S-sir nakita ko po si Ma'am sinabunutan niya yung kasama niyo" sabi sakin ng waitress
" What?! Why did you do that?!" Hindi ko na hinintay makasagot yung babae at binuhat ko na si Elle.
" Report niyo 'to sa mga police" I said to the waitress at dinala na sa ospital si Elle.
------------------------------------------------
A/N: Hi, everyone! Thank you all for reading this story and sorry for the loooooooong wait.Advance Happy New Year!
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Teen FictionLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...