Celine.
Nang makabalik kami sa hotel ay tumungo na ako pabalik ng room. Habang sina Kurt naman ay pumunta na sa island na tinutuluyan nila. Hindi ko pa alam kung kailan ang balik namin sa Manila pero sana malapit na.
Naglalakad na ako pabalik sa suite. Medyo hindi pa kasi maganda yung pakiramdam ko. Sila Diane naman, gusto pang magswimming sa pool kaya nauna na ako. Nang makalapit ako sa hallway ng room namin, nakarinig ako ng bagay na nahulog. Sinilip ko yung left side ng hotel pero wala namang tao kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Papasok na sana ako sa room pero nakita ko sila Nathan at Nicole. Napasinghap na lamang ako sa aking nakita. Magkasama sila and...they're kissing each other. Hindi ko alam yung gagawin ko kaya't pumasok kaagad ako sa room nang hindi gumagawa ng ingay. Nang tuluyan na akong makapasok sa suite, napaupo na lamang ako and hot tears started to fall.
Parang unti-unting tinutusok yung puso ko. Gusto ko nalang maging manhid pero hindi ko magawa basta isa lang ang alam ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako at sigurado akong hindi dahil kay Anthony. Ang hirap palang mahulog ng walang sumasalo sayo. Ngayon, sigurado na akong hindi basta-basta yung nararamdaman ko kay Nathan dahil sa bawat pang-aasar niya, sa bawat kilos niya at sa bawat pag-aalala niya para sa akin...hindi ko namamalayan na unti-unti na rin pala akong nahuhulog para sa kanya. Pero huli na ang lahat. I'm sure there is something going on between him and Nicole.
All this time hindi ko mapagtanto yung nararamdaman ko. I am happy when he's around but then, I didn't know that I'm falling for him. Bakit kasi sa dinami-raming tao sa mundo sa isang playboy pa? Nathan is a pro in this game. Napapaikot niya lahat ng babae pero hindi ko inakalang makakasama ako sa mga babaeng 'yon. If I can only remove my feelings for him, I will gladly do it pero hindi pala ganon kadali. Maybe if I will distance myself from him, I can undo my affection for him. Iyon na siguro ang pinakamagandang paraan para mahintuan ko na yung kahibangang ito. Pinunasan ko yung mga luhang tumulo mula sa aking mga mata at lumabas galing sa silid. Wala na sila doon. Maybe they're inside Nicole's room and enjoying each other's company. Iniisip ko palang yun ay para nang sinasaksak yung dibdib ko. Ganito ba talaga?
Pumunta ako sa restaurant sa baba ng hotel at umorder ng maiinom. Hindi ko alam kung ano yung sumagi sa isip ko at naisipan kong may halong alcohol ang orderin ko. Maya-maya pa'y dumating na rin ang strawberry whiskey na inorder ko.
I hate Nathan. I hate him so much! Bakit kailangan niya pang paikutin ako at paniwalaing mahalaga ako sakanya? O ako lang itong nagbigay ng kahulugan sa mga kilos niya? Is it my fault? Kasalanan ko bang mahulog sa mga kilos niya? Kasalanan ko bang umasa sa mga pinagsasasabi niya?
Hindi ko namalayan na nakakaapat na baso na pala ako ng whiskey. Nararamdaman kong medyo wala na ako sa sarili. Sinubukan kong tumayo pero muntikan na akong madapa mabuti na lamang at may umalalay sa akin. I'm hoping na si Nathan yung tumulong sa akin but to my disappointment, si Ralph pala iyon.
"Celine, are you drunk?!" Pasigaw na tanong sa akin ni Ralph.
"H-huh? No!" Pagkakaila ko.
"Liar. Bakit ka ba naglasing?" Medyo kalmadong tanong niya na sa akin nang mapagtantong hindi na maayos ang lagay ko.
"Wala" nanunuyang sagot ko sa kanya.
"Bakit nga? Hindi ka naman sana iinom nang walang dahilan di ba? Kaya tell me!" Medyo tumaas yung tono ni Ralph kaya medyo nairita ako.
"Fudge! Fudge him! Kayong mga lalaki wala na ba kayong ibang alam na gawin kung hindi manakit ng mga babae?! Papaikutin niyo tapos ano? Iiwan niyo sa ere? Sa huli, kami pa ang may kasalanan dahil kami ang nagbigay ng meaning sa mga actions niyo? Ganun ba 'yon, Ralph?" Naiiyak kong sabi sa kanya. I've never been like this in my whole life.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriends
Genç KurguLove comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd, a nobody that sooner became a somebody. Despite of the obstacles that she's facing, she still belie...