Chapter 9: Mission

665 66 7
                                    


Celine.

Good morning Celine! - Nathan

Hi!- Ralph

Hello! Sabay ka samin mamayang lunch?- Matt

Pagkabukas na pagkabukas ko ng phone ko itong mga text nila ang bumungad sa akin... nandito kami ni Mark sa sasakyan papuntang school.

" Ate, sabay ka daw samin mag lunch sabi nila Matt" sabi ni Mark

" Hindi na. Siguro time na para mag hanap ako ng new friends!" masaya kong sagot kay Mark.

" Okay Ate, Just call me when you need me!" sabi ni Mark

" Sige." sabi ko. Hind ko na nireplyan sila Nathan naiinis kasi ako sa kanila pano ba naman sinabunutan at pinagsasampal na ako ng babae kahapon... ayon inaawat lang nila di man lang ako ipagtanggol , sino nga ba naman ako para ipagtanggol nila di ba?

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng school. Agad akong bumaba at tumakbo ng mabilis para di ako makita ng tatlo di ba nga ung plano ko is to... STAY AWAY FROM THEM... naisip ko kasi kagabi na lagi nalang akong napapa-away pag kasama ko sila at isa pa di naman kasi kami friends lahat, nakasama lang nila ako because my brother is their best friend and after that wala na.

"Wow ang ganda naman niya."

" Oo nga bago lang ba siya dito?"

"Brad, dream girl ko yan!"

Pagpasok ko sa school yan yung mga naririnig ko sino kaya ung pinagsasabihan nila niyan? dahil na-curious ako... tingin sa kanan, tingin sa kaliwa... wala naman na akong nakitang babae dito dahil puro lalaki ung nakakasabay ko. Sino kaya ung sinasabihan nila? ako kaya? ako lang naman babae dito eh... pero ang assuming ko naman yata.

" Hi Celine!" Bati ng tatlong kaibigan ni Mark kilala niyo na siguro sila kay no need to mention na.

Sa halip na lingunin ko sila... nilagpasan ko nalang ang mga ito. Papasok na sana ako ng classroom ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Hi! Miss wanna join us?" sabi nung lalaki na maraming kasamang babae at lalaki. Ung mga babae kulang nalang maghubad sa ikli ng mga damit. Sa school kasi kahit ano pwedeng suotin you're free sa susuot mo tapos nakakapit ung mga babae sa mga lalaki... Iwww ang babata pa nila ah! bakit ganyan na sila umasta... I mean they are minors pero the way they dress, the way they act and the way they talk parang hindi sila minors.

" Would you mind to put my hand down? I have classes to attend pa." Sarcastic kong sagot.

"Not that easy babe! gusto ko ng mga palaban." sabi pa ng panget na lalaki.

Pinipilit kong kumawala sa hawak niya pero ang higpit talaga kaya di ko magawa. Maya- maya lang may sumuntok sa lalaking bastos... and when I look up I saw my brother.

" Don't mess with my sister again, Bastard!" galit na sabi ni Mark. Nagtakbuhan naman ung lalaki at ang mga kasama niya.

"Sabi ko naman sayo ate eh! wala nang mananakit sayo habang nandito ako!" sabi ni Mark na proud na proud sa sarili.

"Thank you, Mark you never broke your promises kahit kailan." sabi ko dito.

" Dapat kasi hinintay mo kami!" Matt

" Dapat hindi ka lumalayo samin!" sabi ni Nathan.

" Dapat ka---" di ko na pinatapos ung sasabihin ni Ralph dahil nagsalita na ako.

" Will you stop lecturing me?! Don't act as if you're worrying kasi halata naman na wala kayong pakialam. Kasi kung may pakialam kayo kahapon palang pinagtanggol niyo na ako! and if you're doing this because my brother is your best friend ngayon palang sinasabi ko nang lubayan niyo na 'to" sabi ko sa kanila at pumasok sa room.

" Hi! pwedeng maki-upo?" tanong ko sa dalawang babae... di ako uupo sa tabi ng apat nakakaasar eh. After a few minutes of talking sa dalawang babae naging close na kami at naging mag-friends bilis di ba? ganon talaga mabait ako eh! hehehehe I' m just kidding!

Kyle at Britany ang pangalan nila.

*Krinnggg*Krinnggg*

Okay that ring means... " Class dismissed!" sabi ng teacher namin.

Pumunta na kami nila Kyle sa cafeteria... nang may dumating na tatlong tao at alam niyo na kung sino ang mga ito... walang iba kung di sila Nathan, Ralph, at Matt.

"Hi! pwedeng makitable?" Sabi ni Matt.

"oo,----" pinutol ko ung sasabihin ni Britany.

"Alis na ko Kyle at Britany ha. Hanapin ko lang brother ko." sabi ko sa kanila.

Pabalik na akong room nang makita ako ni Sir Johnson.

"Oh, Hi miss. Are you a new student here?" Sabi ni Sir Johnson.

Ha? ako? new? student?

"Sir di po, ako po si Celine." ako

"Oh. Celine what a transformation?" sabi ni Sir. " You look more beautiful" dagdag ni sir.

"Tssk kahit anong gawin niyan panget pa rin!" pagpaparinig ni Trixie.

"Hay nako friend don't pansin na the epal girl na yan she's epal talaga with the capital E!" Hindi ko namalayan na sumunod pala sakin sila Britany.

"Yah right girl! kaya don't make pansin na sa mga feeling maganda diyan! Na-iinggit lang yan!" sabi naman ni Kyle buti pa sila kahit ngayon ko lang na-meet napagtanggol na ako. Hays

" Ah sakto ung dating mo may practice kayo ngayon para sa contest, sa Monday na 'yon and today is Friday kaya dapat general practice niyo na din 'to," sabi ni Sir Johnson.

" Ah okay Girl... we are going to watch you nalang" sabi ni Britany. Ganyan talaga sila magsalita kaya kailangan ko nang masanay. Mayayaman at magaganda kasi sila kaya ayun ganyan sila mag salita.

After one hour of practicing natapos na yung practice... aalis na sana kami nila Kyle ng may nagsalita.

" Celine! wait wanna drink water? I know you're tired kaya binilhan kita ng tubig" naka- smile na sabi ni Ralph.

Sa halip na kunin ko ung tubig lumakad na lang ako papunta sa ampi- theater. Pero parang wrong move sinundan ako nila Ralph, NILA as in sila Nathan, Ralph and Matt.

" Alam mo kung may problema ka samin sabihin mo lang para di kami nag mumukhang tanga rito!" pasigaw na sabi ni Matt.

" Ang arte mo alam mo ba yun? kanina ka pa ganyan!" sigaw naman ni Ralph. Parang naiiyak na ako sa mga sinasabi nila...

" Kanina ka pa namin sinusundan iwas ka naman ng iwas ano ba?! Nakakapagod na! kung ayaw mo sabihin mo!" Nathan.

And that's it hindi ko na napigilang maiyak...

" Wait lang ha! correct me if I'm wrong... Ka- kanina k-ko pa sinasabi sainyo na lubayan niyo na yan... And don' t you dare to call me MAARTE dahil di niyo ako kilala kaya wala kayong karapatan na pagsabihan ako ng ganyan! Hindi ko sinabi na sundan niyo ako kaya wag niyo akong sisihin! Hindi niyo ba gets? umiiwas ako sa inyo, umiiwas ako sa gulo!" umiiyak kong sabi.

"Celine, sorry di na mauulit" Matt

" Celine, I'm very sorry I don't know na ganyan pala ung nararamdaman mo." Ralph

"Celine. Sorry" Nathan.

" Enough! Talagang hindi na mauulit kasi simula ngayon iiwas na ako sainyo at ganon din sana ang gawin niyo!" sabi ko habang umiiyak.

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon