Chapter 37: Confusion

210 15 0
                                    

Elle.

Mag-iisang linggo na nang bumalik si Ken at naging busy na rin kami sa company dahil dumadami na yung mga investors namin.

Monday na naman at wala pa kaming tulog ni Ken. One of the disadvantages of being the "boss" ay ang walang pahinga kahit na Sunday dahil patuloy pa rin kami sa pag-aayos ng mga papers na kailangan sa kumpanya.

"Are you sure na gusto mo pang pumasok?" Tanong sakin ni Ken.

"Yup, marami tayong mamimiss kapag um-absent pa tayo." Hindi katulad ng dati medyo naging madistansya na ako kay Ken.

"Okay."

Pumasok na kami sa first class namin and as always nasa likuran lang namin nakaupo sila Ralph. Medyo boring yung klase kaya hindi ko mapigilang antukin.

"Elle, wake up." Bulong sa akin ni Ken. Napadilat naman kaagad ako dahil di ko namalayang napapapikit na pala ako pero di ko na talaga kayang pigilan yung antok kaya't unti-unti ko nang ipinikit yung mga mata ko.

"Yes, Ms. Elle? What do you think you're doing? Get one whole sheet of paper we will be having a surprise quiz!" Sigaw ng professor namin.

Nagmadali naman akong kumuha ng papel. Teka, surprise quiz? Ano isasagot ko hindi naman ako nakinig?!

Natapos ang first subject namin pagkatapos ng 'surprise quiz'. Mabuti nalang at hindi gaanong mahirap yung mga tanong dahil kung hindi blank paper ang ipapasa ko.

Pagkalabas namin mula sa classroom, nagpaalam na muna si Ken sa akin kakausapin lang daw niya yung coach nila dahil hindi siya makakapag-training mamaya kaya dumiretso na ako sa cafèteria.

Habang hinihintay kong bumalik si Ken nakita kong papunta sa akin si Nathan at may dalang coffee. Hindi ko siya tinignan dahil ayoko namang maging feeler. Iniiwasan nga nila ako eh kaya bakit niya naman ako lalapitan?

Pero sadyang makulit yung kapalaran dahil nakatayo nga si Nate sa harap ko at iniaabot sa akin yung coffee.

"Hindi mo ba kukunin?" Medyo naiinis niyang tanong dahil nakatitig lang ako sa dala niya.

"B-bakit ko naman kukunin?" Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil naguguluhan na ako sa mga ikinikilos niya. Noong isang araw lang nahuli ko siyang sinusundan kami ni Ken hindi naman sa nag-iilusyon ako pero talagang sinusundan niya kami tapos ngayon binibigyan niya ako ng kape. Anong palabas na naman ba ito?

"Inaantok ka kasi kanina kaya naisipan kong bilhan ka ng coffee."

"No thanks, kaya kong bumili niyan." Hindi ko kayang hindi magsungit sa kanya dahil sa ginawa niyang pagkampi kay Chantal at sa ginagawa nilang pag-iwas sa akin. Gustong gusto kong itanong sa kanila kung bakit nila ako iniiwasan!

"Kunin mo na, Elle." Pamimilit niya pa.

"Nathan pwede bang hintuan mo na yung pagkukunwari? Ano na naman bang pakulo ito?"

"Gusto ko lang ibigay sayo ito. Wala na akong iba pang intensyon." Sabi niya sa akin sabay baba ng coffee sa table at nagwalk out na.

Kaagad ko namang sinundan si Nathan.

"Kung wala kang ibang intensyon, bakit all of a sudden lalapit ka sa akin at aabutan ng kung ano? Akala mo ba hindi ko napapansin yung pag-iwas niyo sa akin?" Hindi ko na napigilan yung sarili kong itanong ang mga ito sa kanya.

"Elle, let's not talk about it." Matamlay na sabi ni Nathan.

"Hindi Nathan sabihin mo na sa akin ngayon!" Sigaw ko sakanya.

"Elle, not now." Medyo napataas yung tono ng pagsasalita niya.

"Sabihin mo na!" Pagalit na sabi ko sa kanya.

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon