Chapter 39: Messages

212 17 3
                                    

Elle.

Linggo ngayon kaya wala akong masyadong gagawin. Napagdesisyunan kong ayusin yung bahay.

Habang naglilinis, natanaw ko ang isang maliit na paper bag. Ito yung ibinigay sa akin ni Lola na mga gamit ko raw nung natagpuan nila ako. Ang nakapaloob lang dito ay isang cellphone, singsing at panyong may burdang CA. Hindi ko pa nabubuksan yung cellphone mula nang ibigay ito ni Lola sa akin bukod kasi sa lowbat ito, hindi ko rin sigurado kung gumagana pa. Sinubukan kong i-charge muna yung phone at nagpatuloy sa paglilinis ng kwarto ko.

Nang ma-full charge yung phone, kaagad kong binuksan ito at laking pasasalamat ko dahil gumagana pa rin naman pala ito.

Pagkabukas na pagkabukas nito ay bumulaga sa akin ang sandamakmak na text messages at nagmula ang lahat ng ito sa iisang tao... kay Nate.

Nate:
Celine, I'm still hoping that you're alive.

Nate:
Sabi ng Tito mo na maliit nalang ang possibility na mahanap ka pa namin but I know he's wrong.

Nate:
Please Celine, sana mahanap ka na namin. We miss you.

Nate:
Sana ako nalang yung nasa kalagayan mo. Sana ako nalang yung nawala. Hindi na masyadong nakakatulog sila Tito sa kakahanap sayo. Nanggaling na kami sa iba't-ibang lugar pero wala ka.

Nate:
Celine, I don't want to lose hope. Please give us a sign that you're still alive.

Nate:
Aalis na sila Tito papuntang Spain. I think makakabuti iyon sa kanila para mabawasan yung stress nila but I want you to know na hindi sila sumuko sa paghahanap sayo.

Nate:
Celine, it's almost 6 months pero ka pa namin nahahanap. I don't know why am I texting you na kahit alam kong hindi na ako makakakuha maski isang reply sayo. I think this is my way to move on...

Nate:
Mali ako. Kahit anong gawin ko, hindi ko kayang kalimutan ka Celine. Earlier, I saw a girl that looks exactly like you sa restaurant and she's with a guy. Inakala rin nila Ralph na ikaw siya tumingin pa nga siya sa amin pero mukhang di naman niya kami kilala.

Naalala ko, sila nga pala yung grupo ng lalaking nakita ko sa restaurant nung araw na 'yon.

Nate:
Hindi ko alam pero malaki ang hinala ko na kilala ko siya. Sinusundan ko sila kahit saan at nalaman kong sa iisang bahay lang sila nakatira. Kasama ko kanina si Trixie sa isang fine dining restaurant. Actually, pinakiusapan lang ako ng mommy niya na magpanggap na may feelings ako sa kanya. She's obsess with me. Nagkagulo kanina kasi tumama yung ulo ng babaeng kamukha mo dahil sa kagagawan ni Trixie gusto ko siyang tulungan pero huli na ang lahat dahil binuhat na siya papalabas nung Ken papuntang ospital. I was mad at Trixie hindi ko alam kung bakit pero I just want to hurt her pero naalala kong babae pa rin siya kaya I stopped myself. Mula noon iniwasan ko na si Trixie.

Ito siguro yung araw na sinaktan ako ni Trixie sa Ladies' restroom.

Nate:
Sinundan ko sila kanina ni Ken. They're buying school materials pero pagkatapos sa bookstore pumunta sila sa arcade. Muntikan na nila akong makita kaya medyo dumistansya muna ako. Halos one hour sila sa loob ng arcade at pagkatapos non ay dumiretso sila sa bilihan ng bag and I saw her na tinitignan yung dalawang bag isang kulay pink at yung isang kulay white. Naalala kita kasi favorite mo yung kulay pink 'di ba? I wonder kung ikaw talaga siya dahil you have the same features as her. Nakita kong wala sa pinamimilian niya yung binili nila iyon yung girl version ng bag nung lalaki. Pagkaalis nila, kaagad akong pumasok sa boutique at binili yung kulay pink na bag. Nakasalubong ko yung kasama niyang lalaki at mukhang bibilhin niya yung white na bag. I followed them hanggang sa bahay nila and I left the bag with my initials, NJ stands for Nathan Joo at their door step.

My Brother's BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon