CHAPTER 3

42.1K 714 23
                                    

Thank you sa pag-fan sa akin. Kilala ko nga pala si Mara. Kapatid mo ba siya? siya kauna-unahang friend ko dito sa wattpad(((:

==========

JHOY'S SIDE




Kasalukuyan kaming naglalakad ni Mhor dito sa CBM Building (College of Business Administration) para ihatid ako sa room ko.  

At kanina pa din ako naaasiwa dahil sa mga naririnig ko simula pa lang sa parking lot.

Sabay kasi kaming pumunta ni Mhor sa school, actually sinundo niya ako sa bahay kanina. 

Hindi naman kasi kami nagsasabay nito, ever since kahit na mag bestfriend na kami.  

Hindi kasi kami yung typical na mag bestfriend na yung close na close ang relasyon at hindi mapaghiwalay.  

Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ko na maiangat yung ulo ko sa mga bulong-bulungan na naririnig ko.

Bumulong pa sila, bakit kaya di na lang nila isigaw ng ma e-share nila ng todo sa iba pang estudyanteng nakatingin sa amin ngayon.  

Kakairita ha! 

"Bakit sabay silang pumasok? Di ba si Hillary naman yung palaging hinahatid ni Mhor sa klasi noon?" -girl 1 

"So totoo yung bali-balita na hiwalay na nga tong si Mhor at Hillary?" -girl 2 

"Ay girl saan k aba galing at di mo pa alam na last 2 weeks pa nag-drop si Hillary sa university?" -girl 3 

"Di nga?" -girl 2 

"At take note, umalis siya patungong Paris." -girl 3 

"Hala! Third party kaya ang dahilan ng paghihiwalayan nila?" -girl 1 

"Di pa ba halata?" -girl 3, sabay tingin ng masama sa akin. 

Kung makaasta naman tong babaeng to akala mo kung sinong anghel! Nilapitan ko nga. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon