Heyyah!
This chapter is for you. Thanks for reading and voting in my story.
Keep safe:))))))
===========
JHOY'S SIDE
"Boss! Tara na! Nasa atin na yung pera. Sibat na tayo bago pa tayo mahuli nung mga parak." -sabi nung isa sa mga kidnaper sa lider nila.
Nakita ko naman yung lider nila na nag-isip sandali kung ano yung gagawin niya. Sana lang talaga pakawalan niya na lang kaming dalawa ni Mhor. Pera lang naman yung kailangan nila eh. Wala naman din kaming atraso sa kanila kaya pwede naman sigurong pag-usapan na lang to.
"OH YAN! Pakawalan niyo yung babae sa pagkakaposas." -sabi nito sa isa sa mga tauhan niya habang ibinibigay ang steel na maliit na bagay. Sa hula ko, ito yung susi nang posas na nakaposas sa akin ngayon.
Naguguluhan man sa magiging takbo nang sitwasyon ay hinayaan ko na lang ang pagkakatanggal ng posas sa isa sa mga kamay ko. Nung nakawala na ako sa pagkakaposas ay tatakbo na sana ako nung maagad akong nahawakan nung dalawang nagtanggal sa pagkakaposas ko.
"Ano ba! Bitiwan niyo nga ako. Pupuntahan ko lang si Mhor!" -pagwawala ko. Ano pang silbi nang pagpapakawala nila sa akin kung hindi lang din naman nila ako bibitawan?
"Alvin, hawakan mo yang mabuti."-tukoy nito sa isa sa mga humahawak sa akin.
"Berto, kunin mo yung mga galon sa kotse." -utos naman nito sa isa sa nakahawak sa akin.
Sumunod naman agad nito at lumabas ng warehouse para siguro kunin na yung pinapakuha sa kanya.
"Inteng, hawakan mo yang sigang yan at dalhin dun sa poste." -utos naman nito sa isa pa. Ito yung nagmamaneho kanina nang van at yung sumagot sa mga tanong ko kanina.
"Don't touch me. Kaya kong maglakad papunta dun." -malamig pero maangas pa din na sabi ni Mhor.
BINABASA MO ANG
Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)
RomanceI always dream that you will be mine, really MINE! –GIRL But, you didn't notice me, even just a single glance. Then, one single night, everything changes and I was given a chance. Will you look at my direction now? Or will you continue to wait and s...