CHAPTER 26

30K 520 13
                                    

Hi ulit!

HAHAHA:))))

Ito na yung naipangako ko.

Thank you ulit sa pag-fan sa akin.

Keep safe:))))

===========

MHOR'S SIDE 

Saktong-sakto lang yung dating namin sa room ni Jhoy. Agad namang siyang sumilip sa loob kung maraming na bang estudyante. Pero, may biglang nahagip yung mata ko.  

Biglang nag-init yung dugo ko nung makita siya. Akala niyo kung sino! HAH! Kung makangiti naman to sa mga babae na nadadaanan niya akala mo sinong gwapo! 

NAPAKAHAMBOG! 

Napansin niya ata na may nakatingin sa kanya nang masama kaya hinanap niya ito at halatang nagulat nung makompirma na ako pala yun! Pero maya-maya tumingin siya sa gilid ko at ngumiti. Nakapakunot naman yung noo ko! 

I glanced to my side, only to know na si Jhoy pala yung nginingitian nitong Santos na'to. Mabuti na lang at naramdaman ni Jhoy yung tension at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Kasi kung ngumiti din tong isang to', naku! Huwag niyang masubuksubukan yung pasensya ko. 

Nilapitan ko agad si Santos na halatang nagulat sa naging kilos ko. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Jhoy.  

"Mhor, saan ka pupunta?" -tanong niya sa akin na may halong pag-aalala.  

Hindi ko siya sinagot bagkus, itinuon ko lang yung pansin ko sa damuhong to!  

"Mhor." -sabi ulit ni Jhoy. 

Nakalapit na ako kay Santos na ngayon ay naka-smirk sa akin. Ano? Gwapo na ba tingin niya sa sarili sa ganyang etsura? Kakasura siya ah!  

"Follow me! Will talk." -mariin at ma-awtoridad kung sabi kay Santos. 

Hindi na ako naghintay pa nang sagot niya, alam kong alam niya kung saan ang kaya kung gawin kapag hindi niya ako sinunod. Sometimes, it's nice to have some power over the people around you! 

============ 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon