CHAPTER 6

40.4K 567 7
                                    

Thank you sa pag-fan sa akin((((:

==========

JHOY'S SIDE 



Andito na kami ngayon sa kotse ni Mhor.  

Naka-stop lang kami dahil sa traffic.  

Simula pa lang sa university, hindi na kami ulit nag-usap. 

Ewan ko ba dito sa kasama ko. Tinupak na naman at nagsusungit. 

Tanging ipad lang ni Mhor na nakasaksak sa sound system ng kotse niya ang nag-iingay ngayon. 

Wala na din ako sa mood ngayon na magsimula nang conversation dahil kanina pa ako napupuno sa mga "hhhmmm" or di kaya "aaahhh" na mga sagot ni Mhor. 

At nung kanina nga hindi talaga ako sinagot sa tanong ko kung tapos na si Zince sa punishment niya. 

Kasi naman, matapos mag-walk-out tong si Mhor papasok sa locker's room nila ti-next niya pa ako na sa parking lot na lang mag-intay. 

Kapag si Zince talaga ang topic, ang init-init ng dugo niya don. Wala namang ginagawang masama yung tao. 

Napaka-playful lang talaga ni Zince. One thing na nagustuhan ko sa kanya. 

Eh, teka lang ha, maka maguluhan kayo. 

Ki-clear ko lang sandali, nagustuhan as in nagustuhan ko sa pagkatao niya. 

Yun lang yun. 

Tiningnan ko naman tong katabi ko nagyon na poker face lang at sa unahan lang nakatingin. 

Tingnan mo to, kahit nagsusungit ang gwapo-gwapo pa din, sarap kurutin ng pisngi niya.

HAHAHA 

"OUCH!" -daing niya. 

HAHAHAHAHA.. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon