CHAPTER 28

28.2K 513 59
                                    

Hi!

This chapter is you.

Sana patuloy mo pa ding basahin yung story ko.

Keep safe:))))

==========

THIRD PERSON POV 




Matapos ang isang oras na hikbi at iyak lang yung ingay sa loob ng kotse ni Zince ay tumahan na din si Jhoy. Mugtong-mugto ang mga mata nito. Hirap na hirap si Zince na tingnan si Jhoy. Ngayon lang kasi niya ito nakita nang ganito.  

"Zince, pano mo nalaman na nagkabalikan na sila ni Hillary?" -tanong ni Jhoy pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik. 

"I heard them in the locker room." -sagot ni Zince na mababakas pa din yung galit sa boses niya.

"Heard them?" -tanong ni Jhoy.  

"Yeah." -tipid na sagot ni Zince. Para sa kanya, kung siya lang yung masusunod ayaw na niyang sabihin kay Jhoy yung mga narinig niya. Mas lalo lang itong masasaktan. At yun ang ayaw na ayaw mangyari ni Zince. 

"Jhoy, how sure are you that I'm saying the truth here?" -maya-maya ay tanong ni Zince kay Jhoy.  

Curious na curious si Zince na malaman kung bakit ang daling paniwalaan ni Jhoy yung lahat ng mga sinabi niya dito.  

"Why are you asking me this kind of question Zince?" -manghang sabi ni Jhoy kay Zince. Hindi niya kasi ma-predict din tong si Zince kung ano ang naiisip. 

"Just curious." -simpleng sagot nito sa kausap. 

"Simple lang, ikaw yung taong hinding-hindi ako sasaktan. Kaya pinaniwalaan agad kita."-madamdaming sabi nito kay Zince. 

Hindi na sumagot si Zince sa tinuran ni Jhoy, pero sa loob-loob niya ay natuwa siya sa narinig mula dito. Pero ayaw niya pa ring sabihin kay Jhoy yung mga narinig niya. Pero sa isang banda, mas makakabuti yun kay Jhoy para mataunahan na din ito. Hindi lingid sa kaalaman ni Zince na mahal na mahal ni Jhoy si Mhor. 

At sa mga nangyayari ngayon, isa lang ang sigurado siya. Hindi nababagay si Mhor kay Jhoy. Jhoy deserves more! Ma-swerte sana si Mhor eh! Pero hindi na ngayon! Sa isip-isip ni Zince. Gagawin niya ang lahat para mapalayo si Jhoy sa kanya. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon