CHAPTER 18

32K 515 6
                                    

As I said a while ago.

HERE!

I'll dedicate my next chapter of my story to you.

Hope you'll like it!

Thank you again sa pag-fan sa akin:))

===========

MHOR'S SIDE 



Kasalukuyan akong nag-di-drive pauwi. Madilim na, kaya naman hindi na ako masyadong nagpapabilis sa pagmamaneho. Mahirap na, kasama ko pa naman ngayon si Jhoy. Oo nga pala, tulog na tulog si Jhoy.

Hindi pa nga kami nakakalayo sa Tagaytay eh nakatulog na kaagad kaya naman tinabi ko kanina yung kotse para ma adjust ko yung seat niya. Mabilisan ko siyang sinulyapan, at ganun pa din ang ayos niya. Himbing na himbing pa din siya sa pagtulog.  

Siguro napagod lang sa byahe, kahit naman ako pagod na din. Hindi pa ako nakatulog ng maayos kaninang umaga kasi nga hindi maalis-alis sa isipan ko tong kasama ko. 

Ilang minuto pa at nakarating na din kami dito sa subdivision nila Jhoy. Pagkaraan ng ilang sandali ay na-i-park ko na yung kotse ko sa labas ng gate nila. Napansin ata ng guard na andito na kami kaya, pinagbuksan niya ako ng gate. 

Bumababa ako sa kotse ko at kinausap yung guard nila Jhoy. 

"Ah, Manong Guard, yung maliit na lang na gate yung pakibuksan, tulog na po kasi si Jhoy. Ipapasok ko na lang siya sa kwarto niya. Pakisabihan nalang si Manang Claudia." -sabi ko. 

Kilala na naman kasi nila ako kaya komportable na din ako sa kanila.  

Tumango lang si Manong Guard at sinunod naman yung sinabi ko. Pumunta ako sa side ni Jhoy at binuksan yung pintuan sa labas. Hindi ko maiwasan na humanga kay Jhoy. Ang amo nang mukha niya, para lang siyang anghel na natutulog. 

Ibang-iba ang ganda niya kay Hillary. Si Hillary kasi, napaka-sophisticated pero si Jhoy, simpleng-simple lang yung ganda niya pero agaw pansin pa din.  

Hindi nga niya alam na kapag magkasama kami, napapalingon ulit yung nadadaanan namin. 

Indeed, she's a head turner! 

Bago pa ako malunod sa pagmamasid sa kanya ay nakabalik na si Manong Guard para ipaalam sa akin na okay na daw, at naghihintay na si Manang Claudia sa taas. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon